Kabanata 28

1.6K 25 5
                                    


Again

Binasa ko ang buong article sa Facebook page ng Police Station na may hawak ngayon kay Sandro. Pansamantala lang siya doon at ililipat din sa Provincial Jail. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at nawala ang bigat sa aking ngayong nahuli na siya at pagbabayaran pa ang kanyang mga kasalanan. Sa wakas,  hindi ko na kailangang magtago sa isang sulok habang puno ng pag-aalala na makita at kuhanin niya ako. Pero hindi ibig sabihin ay makakawala na ako sa mga ginawa niya sa akin, sa tingin ko ay hinding-hindi ko na iyon malilimutan. Tumulo ang luha ko at napakagat sa aking labi habang binabasa ang mga pahayag ng taong kasangkot niya sa ilegal na gawain. Pati na rin ang mga batang babae na pinag-aral niya kuno pero minomolestya rin pala.

"Sa wakas, anak. Kailangan mo ring pumunta roon para mas lalo pa siyang madiin. Kung mas marami ang tetestigo laban sa kanya, mas magiging mabigat ang parusa," sabi ni mama habang nakayakap sa akin.

Umiling ako. Hindi naman sa ayaw kong pagbayaran niya ang kasalanan sa akin. Natatakot ako na baka walang maniwala sa akin. Natatakot na baka husgahan nila ako. Kagaya ni Samuel.

"Hindi ko pa yata siya kayang harapin, mama. Sapat na muna siguro ang mga taong iyon. Masaya ako ngayon, mama, kasi makakalabas na ako nang walang takot. Makakapunta na ako ng mall para makabili ng gamit ni baby." Hinaplos ko ang pitong buwan kong tiyan.

Sa makalawa ay pupunta na ako sa OB-GYN para malaman ko na ang gender ni baby. Excited na ako kahit ini-spoil na ako ni mama na baka baby girl daw ito dahil pumangit daw ako ng sobra. Napunta raw lahat ng ganda sa baby.

"Kapag tama ang hula ko, ang daddy ang magpapangalan sa kanya." Ngumisi siya kaya pinandilatan ko siya.

Bumuntonghininga ako at hinaplos ang malaki kong tiyan nang maramdaman ko siyang sumipa. Do you want your daddy to name you, my little darling?

"Ma, hindi ko na nga siya nakikita. We are in the process of annulment. Mas maganda na ring ganito ang setup namin. Mas madaling maka-move-on," sabi ko at ngumuso. Sorry, baby. Mukhang hindi mapagbibigyan ni mommy ang gusto mo.

"Hindi mo naman siguro ipagdadamot ang bata sa kanya. Kahit ano pa ang issue niyong dalawa, labas ang anak niyo roon." Tumikhim siya.

"Siya naman ang nagtulak sa akin palayo, mama. Hindi siya naniwala sa akin noong kailangan kong paniwalaan niya ako. Noong mahina ako at gusto kong siya naman ang lumaban para sa amin ay pinabayaan niya lang ako." Kinagat ko ang labi ko.

"You will be okay, darling. You don't have to force yourself to accept him again if you are still not ready. You fought for so long, and now, he needs to win you back in a hard way." Hinalikan niya ang noo ko at sinamahan na sa aking tulugan.

Kahit na ilang buwan na akong nakatira rito ay naninibago pa rin ako. Balak pa sanang kuhanin ni mama ang dati naming bahay na kinuha ng bangko pero naisip niya na masyadong mahal iyon at kakapusin kami sa pera kaya bumili na lang siya ng maliit na bahay at lupa nang iwanan niya ang kanyang nobyo na pineperahan lang pala siya. May tatlong kwarto lang itong bahay at isang maliit na kitchen at living room. Ang garden ay hindi rin kalakihan pero napaganda niya.

Ilang minuto kong pinilit matulog dahil lumalalim na ang gabi. Pero galaw nang galaw ang anak ko, ano kayang gusto niya? Hindi naman ako nagugutom.

"Why are still awake, my darling? Gusto mo bang may gawin ako para sa iyo?" Hinaplos-haplos ko ang tiyan ko para kumalma na siya pero lalo siyang naglikot.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang bumungon. Hindi ako makakatulog kung ganito siya. I started humming a song, lullaby song.

Sleep now, my darling
Sweet dreams await,
The moon and stars
Are your lullaby,
Close your eyes now,
And let me hold you tight.
Your mommy and daddy
Will kiss you, good night.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now