Kabanata 14

1.3K 35 2
                                    


Malilimutan

Hindi ko maiangat ang tingin ko kay Samuel. Pakiramdam ko alam niya kung ano ang ginawa ko kahit hindi naman niya kami nakita. Mali ang ginawa ko, hindi ko dapat hinayaan si Sandro na halikan ako. Kasal na ako sa kapatid niya!

"The ice cream is delicious Samuel. Do you want some?" Kita ko ang pagngisi ni Sandro habang inaabot kay Samuel ang isang cup na may ice cream.

"No, thanks. Nandito lang ako para ibigay itong pinapatapos mo sa akin ngayong araw," sabi niya at inabot ang isang puting folder sa kapatid.

"Ang aga mo naman yatang tinapos? May pupuntahan ka?"

Napatingin na ako kay Samuel na nasa kapatid ang atensyon. Tumango siya at ngumiti.

"Yes, half-day lang ako ngayon. May importante akong lakad," sagot niya kay Sandro at saka tumingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Saan siya pupunta? Magkikita ba sila ni Leia?

"Gano'n ba? Mabuti na rin at natapos mo ng maaga. Pwede ka nang magpunta sa pupuntahan mo," sabi ni Sandro.

Tumikhim si Samuel at lumapit ng bahagya sa akin. Nagulat ako nang iabot niya ang isang kamay sa akin. "Hindi ka pa ba uuwi?" malumanay niyang tanong.

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahan na umiling. "Hindi pa ako pwedeng umuwi, may trabaho pa ako," sagot ko sa kanya.

Bigla niyang binawi ang kanyang kamay kaya naingat ko ang tingin ko sa kanya. Dumilim ang mukha niya at nag-iigting ang panga.

"P-Pwede ko naman na kausapin si Ate Jovie na maaga akong uuwi para--"

Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Hindi na, dito ka na lang." Tumingin siya sa akin pagkatapos kay Sandro na nakangisi.

"S-Samuel, saan ka pupunta?" tanong ko bago siya tuluyang makalabas ng opisina.

Ngumisi siya. "Alam mo kung saan ako laging nagpupunta."

Nanikip ang dibdib ko at naghalo na sa puso ko ang guilt at sama ng loob. Hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya para mapigilan ang pag-alis niya.

"S-Samuel, sama na lang ako sa iyo. Magpapaalam na lang ako kay Ate Jovie, siguradong papayag naman siya," pakiusap ko sa kanya.

Tumitig lang siya sa akin ng ilang minuto bago marahas na inalis ang kamay ko sa braso niya.

"Maggi, come here." Lumapit sa akin si Sandro at inilayo ako kay Samuel.

"Sasama ako kay Samuel. Hayaan mo na ako," sabi ko kay Sandro na nakatingin lang kay Samuel.

"Umalis ka na," sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

Umiling ako. "Hindi mo ba ako narinig, Sandro? Sasama ako sa asawa ko, bitiwan mo na ako."

Pero kahit anong pakiusap ko ay parang walang silang naririnig. Tuluyang umalis si Samuel habang si Sandro ay kinulong ako sa bisig niya kahit na panay ang tulak ko sa kanya.

"Bakit hindi mo ako pakawalan?! Pupunta siya kay Leia! May gagawin sila na hindi pwede! Parang awa mo na, pakawalan mo na ako! Gusto ko lang maging maayos ang pagsasama namin," sabi ko at humagulgol sa dibdib niya.

Huminga siya nang malalim at inangat ang mukha ko. "No, Maggi. Hindi maayos ang pagsasama niyo kung ikaw lang ang gagalaw. Hindi mo ba nakikita na walang pag-asa ang kasal niyo dahil pareho lang kayong napilitan?"

Umiling ako. "Gusto kong ikasal sa kanya. Ang ayoko lang ay dahil sa maling dahilan kaya kami nagsasama ngayon. Kaya gusto kong itama iyon. I want to fix this marriage habang kaya pang isalba." Bumuhos muli ang luha ko na kaagad naman niyang pinunasan.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now