Kabanata 10

1.3K 37 3
                                    


Don't

Hanggang titig na lang ang kaya kong gawin sa lapida ng ama ko nakakalibing lang. Wala nang lumalabas na luha sa mga mata dahil parang natuyo na ang kalooban ko at puro sakit na lang ang nararamdaman. Siya na lang ang natira sa akin pero nagawa pa rin siyang kunin. Ano bang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito?

"Maggi, halika na. Naghanda ng dinner si mommy."

Hindi ko kinibo si Sandro na kanina pa ako inaayang umalis. Hindi ko alam kung bakit ganito siya katiyaga sa akin. Hindi ko alam kung may kapalit ba lahat ng kabutihan niya sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay nagpapasalamat ako dahil may kagaya niya na sinamahan ako sa oras na walang-wala na ako.

I am started to think that he's more than Samuel. He's better...ayokong pagtuonan siya ng pansin ngayon dahil hindi naman talaga dapat. I am his brother's wife, hindi dapat kami magkaroon ng kahit ano mang relasyon bukod sa pagiging magkaibigan. Pero kung magpapatuloy siyang maging ganito sa akin, baka...

Umiling ako at binalingan siya. "S-Salamat sa paghintay sa akin. Kung may kailangan ka pang gawin ay pwede mo naman akong iwan na," sabi ko.

Ngumiti siya. "Dito na lang ako hanggang sa gusto mo nang umalis. I can't leave you here alone. Ang sabi ko kila mommy ay ako ang maghahatid sa iyo pauwi."

Bumuntonghininga ako. I can't...

"Tara na," aya ko sa kanya. He put his arm around my shoulders. Yumuko ako at hindi na nagsalita. Hindi niya dapat ginagawa ito...

Napahinto ako nang matanaw ang isang pamilyar na pigura sa di kalayuan. She's wearing a red fitted dress at papalapit ito sa amin. Kumabog ang dibdib ko nang makilala kung sino iyon. Sumibol ang galit sa akin, kung noon ay gusto ko pa siyang makita, ngayon ay hinihiling ko na sana siya na lang ang nasa ilalim ng lupa ngayon. I can't believe that I will hate my mother this much. Bakit ba siya nandito?

"Maggi, are you alright?" tanong sa akin ni Sandro.

Bumaling ako sa kanya. Kita ko ang pag-aalalang meron sa kanyang mukha at emosyong hindi ko maipaliwanag sa kanya namang mga mata. There is something else with them.

"Can you calm me down if I scold her too much?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya, walang ideya sa mga sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya at hinarap ang aking ina na katapat na namin ngayon. May kasama siyang isang lalake na sa tingin ko ay ang pinili niya kesa sa pamilya. Paano niya iyon nagawa?

"Maggi..." Bungad niya. Hindi ko alam kung ang tuwang nasa mukha niya ay tuwa dahil nakita na niya ako muli o tuwa dahil patay na si papa.

"Bakit ka nandito?" tanong ko na walang kahit anong emosyon.

"I miss you. Hindi mo ba ako na-miss, anak?" tanong niya at sinubukan akong hawakan pero iniwas ko ang sarili sa kanya na parang dala siya isang nakakahawang sakit.

May karapatan naman akong mandiri sa kanya, hindi ba? Mas pinili niyang magpakasaya sa kandungan ng lalake niya at iwanan kami na nagdurusa. Tapos ngayon, magpapakita siya kung kailan patay na si papa? Sigurado akong masaya siya ngayon dahil malaya na siya dahil patay na si papa. Pwedeng-pwede na sila ng lalake niya.

"May maganda bang dahilan para mangulila ako sayo?" Nagtaas ako ng isang kilay.

Halatang nagulat siya sa pabalang kong pagsagot sa kanya. Nawala na ang respeto ko sa kanya. I'm sorry, papa. Hindi ko maalis sa puso ko ang galit at poot sa babaeng ito. Iniwan niya tayo kasi alam niyang wala na siyang mapapala sa atin.

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now