Kabanata 2

1.4K 37 15
                                    


Ruined

Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa pagpapakasal ko kay Samuel. He hated me so much. As long as I want to be civil with him, he won't allow me to reason out.

"Don't talk to me when we are in school. I won't announce my unwanted wedding to anyone. You will do the same, respect my decision." He left me in the empty room.

Bumuntonghininga ako, naisip ko na siguro naman ay magiging magkaibigan kami lalo na at sa tingin ko ay titira kami sa iisang bahay. That's what husbands and wives usually do, right?

Kung galit siya ay hindi ko kailangang sabayan ang galit niya. Ako dapat ang higit na nakakaintindi sa kanya dahil pareho lang kaming naipit sa sitwasyong ito.

Nang maihatid ko ang pagkain ng mga head teacher ay pinauwi na rin ako ni Ate Jovie pagkatapos ibigay ang sweldo ko para sa araw na iyon. Walang mga estudyante sa school grounds dahil class hour pa. Napadaan ako sa isang classroom 'di kalayuan sa cafeteria. Napahinto ako at pinagmasdan sandali kung paano magturo si Samuel sa kanyang mga estudyante. Huminga ako nang malalim, ibang-iba siya kapag kaharap ako. No wonder why is he so popular with the high school girls, he is a hot teacher.

Umiling-iling ako, ano bang nangyayari sa akin? I am not lusting over him, he is hot, okay? That's all.

Kinagat ko ang labi ko at naglakad na palayo dahil baka mamataan pa niya ako doon at magalit na naman siya. Naghintay muna ako na bumaba nang kaunti ang araw dahil balak ko lang maglakad pauwi. Kailangan kong magtipid, ang kinita ko ngayon ay pambili lang ng gamot ni papa.

Bago pa ako makalabas ng gate ng paaralan ay humarang na sa akin ang isang kotse na kulay pula. Nagulat ako dahil muntik na akong masagasaan kaya napahawak ako sa dibdib ko. Hindi man lang naiingat ang driver ng sasakyan na ito. Napanganga ako nang bumaba ang driver ng sasakyan na si Samuel pala. Nagbaba ako ng tingin dahil matatalim ang mga mata niya nang bumaling siya sa akin.

"Sakay," sabi niya na hindi ko kaagad narinig.

Tumitig lang ako sa kanya ng ilang minuto bago ko napagtanto ang mabilis niyang paglapit sa akin. Marahas niyang hinila ang kamay ko bago binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Binalibag niya ako sa loob at napadaing ako sa sakit nang tumama ang siko ko sa matigas na bahagi ng upuan. Ano bang problema niya?!

Nakita niya ba ako kanina na pinapanood siya habang nagtuturo? Napakababaw naman niya kung ganoon nga.

"Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong ko pagkatapos niyang paandarin ang sasakyan.

"My parents want to see you and we will talk about my condition in this marriage. You will follow my rules," matigas na sagot niya.

Tumingin ako sa suot kong damit. Hindi man lang niya ako sinabihan nang mas maaga para nakapagbihis man lang ako nang maayos.

"Hindi man lang ako nakapag-ayos," bulong ko na narinig niya.

"What's the big deal about that? Kahit naman magbihis ka ng maganda ay hindi pa rin magbabago ang itsura mo, hindi rin mababago na magpapakasal ka lang dahil sa utang ng tatay mo," sabi niya.

Bahagya akong nasaktan sa sinabi niya. "I just want to look presentable in front of your parents, masama na ba iyon?"

He smirked while looking at the road. "They know your status, you don't need to impress them. Mas maganda ngang mas mukha kang kawawa, para makakuha ka na rin ng shares sa kompanya nila."

Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipag-away sa kanya. Masyado siyang masakit ang mga salitang binabato niya sa akin. Ganyan kababa ang tingin niya sa akin dahil ang akala niya ay para sa pera lang ang lahat ng ito. Mali siya dahil...

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPWhere stories live. Discover now