Kabanata 20

1.4K 30 0
                                    


Magkaibigan

Isinabit ko sa cabinet ang gagamiting tuxedo ni Samuel sa Graduation ball sa school pagkatapos kong plantsahin. Bumuntonghininga ako at hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin kung sasama ba ako kay Samuel. Hindi ko pa rin kayang makita si Sandro, ayoko na siyang makita kahit kailan. Tuwing naiisip ko pa rin ang kahayupan niya sa akin na nakamarka na yata sa isipan ko ay naiiyak na lang ako. Madalas rin akong magising sa hating-gabi dahil sa masamang panaginip. Kahit sa mga simpleng haplos lang ni Samuel ay napapa-igtad ako.

Noong isang gabi nga lang ay nainis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin kong pag-iisip na si Samuel ang humahalik sa akin ay napaluha pa rin ako dahilan para hindi na namin maipagpatuloy ang dapat na pagtatalik. Hindi kami nag-usap ng gabing iyon pero kinabukasan ay tinanong niya ako. Wala akong naisagot at umiyak lang sa bisig niya. Hindi na ba maaalis sa akin ang ginawa ni Sandro. Hanggang ngayon ay diring-diri pa rin ako. Pakiramdam ko ay hinawakan pa rin niya ako at hinahalikan. Gusto kong kalimutan iyon pero bakit bumabalik-balik lang sa isip ko?

Napasinghap ako at kaagad napaharap kay Samuel na nakakunot ang noo. Huminga siya nang malalim at pinagmasdan ako. Para bang inaaral kung ano ang mali sa akin. Yumuko lang ako. Kung darating man ang oras na malalaman niya, sana sa akin siya maniwala. Maayos na kami, huwag naman na sanang masira pa ang meron kami ngayon. Gusto ko na ito. Gusto ko na ang Samuel na kasama ko ngayon. Masaya na ako.

"Hindi mo pa rin sa akin sasabihin kung ano ang problema?" seryosong tanong niya.

Hindi na naman ako umimik. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko dahil pakiramdam ko ay sawang-sawa na siyang makita akong umiiyak. Bumuntonghininga siya at pinagmasdan ang tuxedo na susuotin niya.

"Can you be my date on that ball, please?" tanong niya gamit ang malambing na boses. Naangat ko ang tingin sa kanya at ngayon ko lang napansin ang hawak niyang isang malaking gift box.

Inabot niya sa akin iyon. Nag-alangan pa akong kuhanin dahil hindi ako makapaniwalang ginagawa sa akin ni Samuel ang mga bagay na ito.

"S-Sa akin ba talaga ito?" tanong ko kasi baka mamaya ay nakasumpong lang siya at kay Leia pala talaga ito.

"Of course. Hindi ko lang sigurado kung kakasya pa sa iyo dahil tinantsa ko lang ang sukat base sa pagkakahawak ko sa iyo. Go, sukatin mo," sabi niya.

Tumalikod ako at isa-isang hinubad ang suot ko. Isang conservative purple dress na kapareho ng kanyang tux. Namangha ako dahil saktong-sakto iyon sa katawan ko. Tamang-tama ang haba at ang pagkakahapit nito sa katawan ko. Meron pa iyong mga accessories na kasama at isang nude suede sandals.

"Ang ganda nito," nasambit ko nang wala sa sarili.

"So beautiful." Ngumiti siya sa akin at hinapit ako sa bewang ako. Dinala niya ang isang kamay ko sa kanyang balikat at hinawakan naman ang isa. At kahit walang musika ay marahan nagsasayaw ang aming katawan habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't isa.

"Sasama ka na ba sa akin? Promise, uuwi rin tayo kaagad kapag gusto mo ng umuwi," sabi niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

Para akong natutunaw sa mga titig niya. Kahit papaano ay nawala ang takot ko dahil alam kong kapag nanatili ako sa tabi niya ay hindi ako magagalaw ni Sandro. Dapat ay nakinig na ako sa kanya noong unang beses niyang sinabi na huwag na akong lalapit kay Sandro, hindi na sana nangyari iyon. Wala sana akong mga pangamba ngayon.

Tumango ako at matamis na ngumiti. "Hinanda mo na ang lahat, sino naman ako para tumanggi pa?" Tumawa ako.

"You are my wife," malambing niyang bulong sa tenga ko.

Hinila ko siya papalapit sa akin. "Basta huwag mo akong iiwang mag-isa kahit sandali lang. Sama mo ako palagi sa iyo. Huwag mong bibitiwan ang kamay ko."

Exhausted Fantasy Of Yesterday (EX Series 4) PUBLISHED UNDER PIPOnde histórias criam vida. Descubra agora