Chapter 24

30K 871 226
                                    

Chapter 24

Grateful

Kanina pa ako nakakarinig ng mga katok sa aking pinto. Bumangon kaagad ako nang magising na at kinuha ang cellphone sa gilid ko. Tinawagan ko kaagad si Zoren. Ang kamay ko ay nasa buhok ko at ang siko ay nasa tuhod. Sinagot niya kaagad.

"Good morning! Pumunta ka ba kaninang madaling araw?"

I know he went here at midnight, but it really feels surreal, so I asked. It really felt like a dream.

I heard him chuckle but only for seconds. Parang pinigilan niya kaagad ang kanyang sarili.

"Yes, Kesian... And good morning, too."

I bit my lip, and consecutive knocks occupied my ears. I rolled my eyes. Romance ruiner.

"Okay! Iyon lang naman. Babangon na ako kasi marami pa akong gagawin..."

"Alright..."

Pagbaba ko ay nandoon na sila Covy sa sala. Kumpleto na silang apat at tuwang tuwa na kaagad ako. Naabutan ko silang kumakain at nanonood. Hindi pa nga nila ako napansin kaagad.

"Happy birthday! Binati kita ng eksaktong twelve! Hindi mo nakita?" si Seth at sinalubong ako.

Nalukot ang mukha ko dahil doon. Kung totoo man iyon, hindi si Zoren ang unang bumati sa akin? Hay naku, buti na lang siya ang unang bumati sa akin sa personal.

"Thank you!"

"Dito na kami hanggang mamaya. Dinala na namin ang mga susuotin. Makiki shower na lang din. Anyway, happy birthday!" si Covy at tinignan ako ng ilang segundo bago bumalik sa pinapanood.

"I think the niece killed their father..." si Ays na hindi man lang ako binati! Nakatutok lang siya sa kanilang pinapanood.

"Happy birthday, Kesh," si Terry na tumango pa sa akin. Siniko niya si Ays dahil hinihintay ko talaga ang pagbati niya.

"Happy birthday..." aniya at malamig akong tinignan at balik sa kaagad sa pinapanood niya.

Hindi ako nagtagal sa kanila dahil marami pa palang naghihintay sa akin. Sa labas ng bahay ay nandoon ang magpipinsan-- sina Erios, Erisse, Ate Eyana at iba pa. Si Erios ang unang bumati sa akin at ginulo pa ang aking buhok.

Tuwing birthday ko dumadalo talaga sila. Kahit naman ako kapag birthday nila ay dumadalo rin. Tuwang tuwa ako dahil kumpleto sila. Kahit ang iba nilang pinsan na nakakalaro ko noon ay mayroon din.

Inasikaso ko rin ang mga kadarating na mga pinsan ko sa father's side. Sila Gale at ang mga kapatid niya.

"Nasa loob sina Seth, Gale," sabi ko sa kanya. "Tita pasok na po kayo," tawag ko sa Mommy niya. Ang daddy ko kasi ay kausap ang daddy nila.

Dumating na rin ang mga pinsan ko sa mother's side. Close ko naman lahat ng pinsan ko. Ang kaso, karamihan sa kanila ay sa probinsya nag-aaral kaya malimit lang kaming magkasama-sama.

Ang daming tao sa bahay namin at maingay! Ang dami nang bumati sa akin at ang ilan pa ay nagbibigay ng clue tungkol sa birthday gifts nila.

"Wala kasi akong maisip, Ate..." si Aris na pinsan ko sa mother's side. High school pa lang. "Si Kenzie po?"

"Nasa taas pa may inaayos lang daw saglit," si Mommy at inasikaso na ang mga kadarating.

They won't sleep here. We have guest rooms, but seeing their numbers right now, I know our house couldn't accommodate them all. Sinabi ko iyon kay Daddy at aniya'y nag-book na raw sila ng hotel malapit dito.

Pagpasok ko ay nakita ko si Covy na kausap ang ilan naming pinsan. Lumapit ako.

Nagtagal pa ako roon ng ilang minuto bago tumaas sa aking kwarto.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon