TDEW 22: Bring Back Memories, Bring Back You

865 37 29
                                    

MADILIM ang mukha at kuyom ang mga kamay na diretsong tinungo ni Loven ang mansyon ng kanyang mga magulang upang kumprontahin ang ama

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

MADILIM ang mukha at kuyom ang mga kamay na diretsong tinungo ni Loven ang mansyon ng kanyang mga magulang upang kumprontahin ang ama. Ngunit, sa gate pa lamang ay hinarang na siya ng lima sa mga tauhan nito. 

"Kabilin-bilinan po ni Sir Luis na huwag kayong papapasukin," mariing turan ng isang lalaki. Sa lima ay ito ang may pinakamalaking katawan. Kilala rin niya sa mukha ang lalaki dahil isa ito sa mga pabibong tauhan ng kanyang ama't kilalang maangas. 

"Ano'ng hindi puweding pumasok? I live here!" Mainit na nga ang ulo niya pagpunta rito, ngayo'y lalo pang nadagdagan sa ginawang pagharang sa kanya. Ano'ng dahilan ng ama't ayaw siyang harapin? Sa kautusang ito ng ama'y mas tumindi pa ang paghihinala niyang may kinalaman nga ito sa nangyari kay Misha. 

"Pasensya na Sir Loven. Pero iyon po ang utos sa amin ng inyong ama!" 

"Back off!" bulyaw niya at muling tinangkang hawiin ang mga ito sa harapan niya. Ngunit, pumalag pa rin ang mga ito't mukhang wala talagang balak na sumuway sa utos. Ang lalo pang nagpakulo ng kanyang dugo ay ang may kalakasang pagtulak ng mga ito sa kanya na kamuntikan pa niyang ikawala ng balanse. Napaatras siya ng ilang hakbang bago muling nakuha ang tindig. 

Sa labis na galit ay hindi na siya nakapagpigil. Sinugod niya ang mga ito't walang habas na nanuntok. Buong akala niya'y magkukontrol ang mga ito at hindi siya papatulan ngunit nagkamali siya nang gumanti ang mga ito at pinagtulungan pa siya.

Makailang ulit na bumulagta si Loven sa semento dahil sa mga natatamong malalakas na suntok. At kahit pa pinagtutulungan ay tila hindi niya nararamdaman ang sakit. Marahil sa labis na galit niya para sa ama at sa matinding kagustuhang harapin ito. At dahil doon, wala na siyang pakialam sa sarili.

Magaling din naman siyang makipaglaban dahil sinanay talaga niya ang sarili. Mula nang maghiwalay sila ni Misha ay bukod sa kompanya, naging tahanan na rin niya ang gym at nag-aral ng martial arts. Doon niya ibinubuhos ang lahat ng galit. Kitang-kita rin iyon sa pagiging batak at magandang hubog ng kanyang katawan. 

"Sir Loven tama na!" Tinangka ng isang awatin siya sa pagsugod ngunit as halip na tumigil ay isang malakas na suntok sa mukha ang isinagot niya sa lalaki.

Kaya kahit labis na nagpipigil ang ilan sa mga ito'y walang ibang nagagawa kundi ang patulan siya. Habang ang pabibo namang lalaki'y sinamantala na ang pagkakataong iyon upang ilabas ang pansariling nais. Tila may kinikimkim na galit.

Nagpatuloy siya sa pakikipagbuno sa mga ito kahit pa ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa bugbog na mukha at katawan. Napuruhan din siya sa itaas ng noo at nanunulay na sa kanyang mukha ang sariwang mga dugo mula roon. Ngunit, pilit niyang binalewala ang lahat hanggang sa tuluyan na nga niyang napatumba ang lima at napasok ang gate ng mansyon.

Ngunit sa loob ay muli siyang hinarap ng mas marami pang tauhan ng kanyang ama.

"Bullshit!" Mapait siyang napangiti. Marahas din niyang pinunasan ang gilid ng labing nagdurugo gamit ang likod ng kanyang kamay bago muling iminuwestra ang mga kamao upang labanan ang ngayo'y hindi bababa sa sampung mga kalalakihan. Wala siyang balak na sumuko kahit pa ipapatay siya ng ama ngayon.

The Dangerous Ex-WifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant