TDEW 23: Who's Exactly The Villain?

563 19 14
                                    

MAHABANG katahimikan ang namayani sa loob ng mansyon ng mga Lewis nang makaalis si Loven. Si Luis ay tulala sa harapan ng kanyang office table. Naroon sa kanyang tabi ang tulirong kanang kamay na halos hindi nalalayo ang edad sa kanya.

Tila may nais itong sabihin ngunit nagdadalawang-isip kung itutuloy o hindi. Ngunit, matapos ang ilan pang sandali ay nagsalita na ito.

"Boss Luis, h-hindi ko po maintindihan... Bakit hindi niyo sinabi kay Loven na hindi kayo ang nasa likod ng pagkakabaril sa dati niyang asawa?"

Huminga muna ng malalim si Luis bago hinarap ang kanang-kamay.

"Ang tanong, maniniwala ba siya kung sasabihin ko? Malinaw na walang alam si Loven tungkol sa totoong nangyayari ngayon sa dati niyang asawa kaya ako kaagad ang naging suspect niya."

"Pero, bakit inako niyo?" Naguguluhan pa rin ang lalaki.

"Roman, I want you to protect that woman at all cost!"

"Boss..."

"Malakas ang kutob kong hindi simple ang dahilan nang paglabas niya sa rehab. The gun man was being bold by doing that in public. It seems like... hindi na siya ang dating Misha na kilala natin. Kaya kailangan mong alamin kung sino ang may gawa nito at patahimikin sila! Kung hindi, I might lose control of Loven."

Gustong-gusto man niyang mawala na sa landas nilang mag-ama ang babae ay hindi niya ito magawang saktan dahil sa anak. Lalo pa sa nasaksihang inasal nito ngayon. Nakatitiyak siyang hindi na siya susundin pa ni Loven oras na mapahamak ito.

"Masusunod, Boss."

"Ano kayang gulo ang pinasok ng babaeng iyon at may gustong pumatay sa kanya?" Maging siya'y walang ideya kahit pa lihim niyang pinasusundan si Misha sa kanyang mga tauhan.

"Siya nga pala, Boss... Ngayong nasa poder ni Loven si Misha, ano'ng gagawin ninyo?" pag-iiba nito ng usapan.

"Nothing..."

"W-wala?" pag-uulit ni Roman sa sinabi ni Luis. Tila hindi nito makuha ang ibig niyang sabihin.

"If he insist of keeping that woman, pagbibigyan ko sila. Kung tuluyan man niyang lalayuan si Misha, even better!" paliwanag niya.

"Boss, h-hindi ko po kayo maintindihan... Hindi ba't ang gusto niyo'y layuan na ng anak niyo ang babaeng iyon? Bakit po ngayo'y biglang nagbago ang pasya niyo?" Todo ang pagkakakunot ng noo ni Roman. Hindi nito mapaniwalaan na lumambot ng ganoon kabilis ang puso ni Luis. Kaya mabilis itong nagsalin ng tubig sa baso upang painumin siya. Marahil para mahimasmasan.

Sarkastiko siyang natawa sa nakikitang kalituhan sa mukha ng kanang-kamay.

"Gusto ko ng alak." Ikinumpas niya ang kamay upang pabalikin ang lalaki sa mini bar. Agad naman nitong ibinalik ang baso ng tubig at pinalitan iyon ng whisky.

"Ano ba ang akala mo sa akin? Kagaya ng mga kontrabida sa pelikula? Walang puso? Maitim ang budhi? Gagawin ang lahat para sirain ang kaligayahan ng sariling anak?" saad niya matapos tunguhin ang malaking bintana ng opisina.

"Boss..." Sumunod ito sa kanya upang i-abot ang baso ng alak.

Kinuha niya iyon nang hindi sinusulyapan ang lalaki. Nakapako ang tingin sa madilim na hardin ng mansyon kung saan nakipagbuno ang anak sa kanyang mga tauhan.

"Oo. Ang sabi nga ni Loven masama akong tao dahil marami akong illegal businesses. Halimaw, dahil pinatay ko ang mga magulang ng kanyang asawa at pilit ko silang pinaghiwalay ng pinakamamahal niya. But, past is past. What's done is done. If you dwell in the past... that means you're not satisfied. If you're not satisfied, you'd feel regrets. And eventually, you'll seek forgiveness. In short, you are a hypocrite fuck! Regret is the most dumb thing a sinner could ever feel! If you're going to commit a crime, make sure to do it in satisfaction so you can bear the consequences. Kung kasama sa consequences ang pagsuko ko sa kagustuhan ng aking anak... tatanggapain ko. Isa pa, ano man ang totoong nangyari ng gabing iyon two years ago ay hindi nila maiitindihan!" mahaba niyang paliwanag. At nagpakawala ng malakas na buntong-hininga.

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now