TDEW 18: Playing Games No More

1.5K 43 19
                                    

ISA-ISANG pinag-aralan ni Misha ang mga taong madalas makasalamuha ng dating asawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ISA-ISANG pinag-aralan ni Misha ang mga taong madalas makasalamuha ng dating asawa. Ginugol niya ang buong araw sa pagkalap ng impormasyong maaaring makatulong sa kanilang imbestigasyon. May ilang mga events nga siyang nakitang maaaring daluhan ng mga ito sa susunod na buwan. Inilista niya ang lahat ng mahahalagang detalye upang pag-aralan ang kanyang mga susunod na gagawin. 

Akma na sana niyang isasara ang laptop nang may mapansin siyang isang larawan na nakakuha ng kanyang atensyon. Muli niya iyong binalikan at nakita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Ito ang lalaki noon sa party at ang parehong lalaking nakita niya sa pasilyo ng W Company event bago magsimula ang fashion show. 

"Lucas Ferrer," mahina niyang sambit sa pangalan ng lalaki nang mabasa iyon sa article headline. Kasama nito sa larawan ang dating asawa at mukhang kasosyo na rin nito sa negosyo. 

"Jackpot!" 

Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng silid. Tinutumbok ng daang kanyang tinatahak ang opisina ni Nagi na nasa dulo ng pasilyo ng ikalawang palapag ng main building. 

Dahil sa labis na pagkasabik sa ibabalita, kasabay nang pagkatok ay ang pagkabig din niya sa pinto ng opisina nito. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang federal agent dahil hindi na siya makapaghintay. 

"Oh, wow!" bulalas niya sa nadatnang eksena. Dali-dali siyang napatalikod sa labis na pagkahiya--hindi para sa sarili kundi para sa mga ito. 

Nabungaran niyang nakakandong si Nagi sa mga hita ni Rod habang ang mga kamay naman ng lalaki ay nasa loob ng blusa nito. Halos mapatalon ang babaeng federal agent sa labis na pagkabigla. 

Natataranta't dali-dali nitong inayos ang sarili bago tuluyang nagsalita. "Hindi ka man lang ba marunong kumatok?!"

Muli siyang humarap sa mga ito na puno nang pagkabalisa. 

"I'm so sorry. Hindi ko naman kasi akalaing--" Hindi niya tinapos ang sinasabi nang makita ang pag iling-iling ni Rod. Naka-upo pa rin ito ngunit walang ni katiting na pag-aalala sa mukha. 

"Binabalaan kita Misha... Wala kang n-nakita. Maliwanag?" hindi pa rin mapakali ang babae.

"Pero hindi ako bulag. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang melagrong ginagawa ninyong dalawa!" 

"Misha!" Matinding pagpipigil ng galit ang nakikita niya kay Nagi ng mga sandaling iyon. Tila takot na takot itong may ibang makaalam ng kanilang sekreto. 

Hindi naman na bago sa kanya ang nakita dahil minsan na niyang nahuli ang mga itong naglalandian sa parking lot noon. Mas nakumperma nga lang niya ngayon ang totoo talagang namamagitan sa dalawa. 

"Ano bang sadya mo kay Nagi? Bakit ka naparito?" kalmadong tanong ni Rod sa kanya. Pagkuwa'y umayos nang pagkaka-upo. 

"Ahm, ayun na nga!" Dali-dali siyang lumapit sa mga ito at inilatag sa naroong lamesa ang mga dala-dalang papeles. 

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now