TDEW 19: Seducing Lucas Ferrer

1.9K 54 22
                                    

PINUNO muna ni Misha ng hangin ang dibdib bago sumakay ng shuttle bus palabas ng institute

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PINUNO muna ni Misha ng hangin ang dibdib bago sumakay ng shuttle bus palabas ng institute. Matagal niyang hinintay ang kanyang day off upang maisagawa ang mga pansariling misyon. Minabuti niyang solohin na lamang muna ang lahat at panatilihin itong sekreto dahil sa takot na hindi siya payagan ng mga nakatataas sa gusto niyang gawin. Isa pa, personal na niya itong laban. Wala nang kinalaman ang Viper Institute sa kaso ng kanyang mga magulang. Sabihin man ni Harris na gusto siya nitong tulungan ay tiyak pa rin niyang hindi ito papayag sa paraang na-iisip niya. 

Bumaba siya sa isang subway station at mula roon ay muli siyang sumakay ng taxi papunta sa nasabing high end resort ng mga Ferrer—ang GoldWin Resorts & Casino—kung saan niya ito maaaring makita ng ganitong araw. 

"I'M SORRY, Ma'am, pero wala na pong available room for tonight. Fully booked na po kami," mahinahong paumanhin ng receptionist ng hotel.  

"This can't be! Ang layo pa ng pinanggalingan ko para lang pumunta rito sa wala. Gawan mo ng paraan! Check it again!" naghuhuramintado niyang turan.

Hindi maaaring mapurnada ang mga balak niya ngayon. Sa susunod na linggo na ang event na nakita niyang posibleng daluhan ni Loven at kailangan niyang makapunta roon. Wala na siyang iba pang pagkakataon kung mapapalampas niya ang gabing ito. 

"Again, I'm sorry, Ma'am. Pero wala na po talagang available," turan ng receptionist matapos muling tingnan ang kanilang record. 

"What?! Tiningnan mo ba talaga ng mabuti? Sigurado ka?" Medyo mataas na ang boses niya't nakakatawag na iyon ng atensyon ng ibang tao sa paligid. Pero wala na siyang pakialam. 

"Misha?" Isang pamilyar na boses ang biglang tumawag sa kanya mula sa likuran na kaagad naman niyang nilingon. 

"Vanessa?" Bigla niyang naitirik ang mga mata sa pagkadismaya nang makilala ito. Ito ang babaeng mainit ang dugo sa kanya noon sa fashion show.

'What is she doing here?' 

"Hey! Remember me?" Malapad ang pagkakangiti nito na para bang nakakita ng kaibigan. 

Binigyan niya ito ng pekeng ngiti. Hindi ang mukha ng babaeng ito ang gusto niyang makita sa ganitong sitwasyon. Pakiramdam niya'y pinagtatawanan siya nito sa loob-loob nito. 

"Of course! Bakit naman hindi? But, I'm sorry, wala akong time ngayon. I have something important to do," supla niya rito't tinalikuran ang babae para kausapin muli ang receptionist. 

"Please, i-double check mo uli ng isa pang beses..." 

"No need, Miss! Guest ko siya," nakangiting sabat ni Vanessa--na sinang-ayunan naman kaagad ng receptionist. 

"What did you say?" Galit niyang hinarap ang babae dahil wala siyang oras para makipagbiruan dito. 

"Ayaw mo ba?" napansin nitong hindi siya naniniwala, "yes, we're not even close to offer you to share my room, but I ended up doing so. Kaya tanggapin mo na lang. Let's go! 'Wag ka ng maarte!" 

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now