TDEW 24: Adding Salt To The Wound

643 22 11
                                    

"Loven, are you really sure about this?" Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang devorce paper na hindi pa rin niya magawang pirmahan, "Baka naman puwede pa nating mapag-usapan 'to. Ayusin natin ang ating relasyon. K-kung may dapat akong baguhin sa ugali ko, babaguhin ko. Sabihin mo lang sa'kin kung ano ang gusto mo..." lumuluha niyang sumamo. Gusto pa niyang isalba ang kanilang relasyon. Mahal niya ang asawa; mahal na mahal. At hindi niya matanggap na mauuwi sila sa hiwalayan sa 'di malinaw na dahilan. Ilang ulit mang sabihin ni Loven na nagsawa na ito sa kanya, hindi niya iyon magawang paniwalaan. Malakas ang kutob niyang hindi lamang iyon ang dahilan. 

"Pagkatapos mo iyang pirmahan, lumayas ka na kaagad sa pamamahay ko! Ayaw na kitang makita pa rito!" ngunit matigas nitong turan. At hindi siya magawang titigan. 

"Loven--" 

"Higit sa lahat..."  putol nito sa iba pa sana niyang sasabihin. "Pinagsisisihan kong nakilala kita, Misha. Marrying you was the biggest mistake in my life! Alam mo ba 'yon? Hindi ko alam kung ano'ng katangahan ang nangyari sa'kin at pumatol ako sa 'yo. But, well... buti na lang natauhan na ako ngayon. Kaya naman, tapusin na natin ang lahat at 'wag na sanang magkrus pa ang landas natin!"  

MATAPOS manumbalik ang alaalang iyon ay doon tila binuhusan ng malamig na tubig si Misha at muling natauhan. 

Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ng dating asawa at gumawa ng sapat na distansya sa pagitan nilang dalawa. 

Napansin din niya ang pagguhit ng pait sa mukha ni Loven. Maging ang pagtiim-bagang nito. Disappointment is written all over his face. 

"A-ano ang ginagawa ko rito?" galit niyang tanong. Iyon din ang kanina pa niya nais malaman. Bakit sa dinami-rami ng lugar ay bakit dito pa siya napadpad? At papaano? 

"Nabaril ka..." tipid na sagot ni Loven. 

"Alam ko. Pero bakit dito? Bakit ikaw? At b-bakit--" 

"I'm sorry." Agad nitong pinutol ang paghuhuramintado niya. Seryoso ang mukha nito at puno ng pagsusumamo. Parang ito ang lubos na nagi-guilty sa nangyari sa kanya. 

"Sorry?" maang niyang pag-uulit sa sinabi nito. Hindi niya mabatid kung para saan ba ang inihihingi nito ng tawad. Sa dami ng kasalanan nito sa kanya, alin ba sa mga iyon ang tinutukoy nito? 

"Sorry for being insensitive? Or are you sorry seeing me in this pity situation?" Tanong niya sa maaaring pinakamalapit na sagot. Pagkuwa'y napatingala rin siya upang pigilin ang mga luhang nangingilid na sa kanyang mga mata. 

"That's not it, Misha..." Tinangka nitong lumapit para aluhin siya o punasan ang kanyang mga luha ngunit mabilis niyang iwinaksi ang kamay nito't muling umatras palayo. 

"Don't come near me!" singhal niya. Siya na ang nagpunas ng sariling mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. Mahigpit din niyang naikuyom ang mga kamay sa pagpipigil ng galit na nais kumawala sa kanya. Gusto niya itong sampalin, saktan, murahin, sigawan, at isumbat ang lahat ng sama ng loob hanggang sa matanggal ang lahat ng iyon sa kanyang dibdib. Ngunit dahil sa halo-halong emosyon ay hindi niya magawa. Lalo na sa tuwing tititigan niya ang maamo nitong mga mata na puno ng pait at sakit. May kakayahan pa rin iyong palambutin ang kanyang puso. 

"Misha..." Muli nitong tinangkang lapitan siya. Ilang beses nitong ibinukas-sara ang bibig sa kagustuhang magpaliwanag ngunit wala itong maapuhap na sasabihin. Sa huli'y napabuntong-hininga na lamang ito ng malakas. At sa pagkakataong iyon ay ito naman ang umatras upang magbigay distansya sa kanila. 

Sa ginawa nitong iyon ay hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng disappointment. Marahil ay may bahagi sa kanya na umaasang magbibigay ito ng paliwanag. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang marinig mula sa bibig nitong mahal pa rin siya nito--na siyang dahilan kung bakit pinanatili nito sa dati ang kanilang silid na puno ng kanyang alaala. Ngunit, nanatiling tikom ang bibig nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dangerous Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon