TDEW 14: The Dangerous Her

1.8K 61 12
                                    

"OH, LOOK at her!"

Nakita niya si Tiffany at Vanessa na palapit sa gawi niya. Bahagya pang pumapalakpak ang una habang may naglalarong mapang-uyam na ngiti sa mga labi. Mula ulo hanggang paa rin siya kung tingnan ng dalawa na tila hinahanapan siya ng kapintasan.

"Third to the last... Without any experience in ramp modeling. A newbie... Anong ginawa mo para makarating sa malaking event na 'to? Sinong inakit mo?" mapang-uyam na tanong ni Vanessa. Bagay na tuluyang pumutol sa pisi ng pagtitimping kanina pa kinikimkim ni Misha.

"You know what, hindi mo 'ko kilala!" mahinahon niyang turan. Unti-unti rin siyang lumalapit dito dahilan para mapaatras ng ilang hakbang ang babae. Ngunit, hindi siya tumigil hanggang sa halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"So, you have no rights to mess up with me!" patuloy niya. Pagkuwa'y itinulak niya ang balikat nito gamit lamang ang hintuturo. Sa pagkagulat ng babae'y nawalan ito ng balanse't malakas na napasandal sa pader na naroon.

"Tsk! Kilala mo rin ba kung sinong kinakalaban mo, babae?!" Akma siyang sasampalin ng babae ngunit agad naman niyang napigilan ang kamay nito.

"Don't you ever dare to put your dirty hands on me!" malakas niyang singhal sa babae na bahagyang nakakuha ng atensyon ng ilang taong nasa malapit. Hindi na niya naitago pa ang labis na galit ng mga sandaling iyon kaya wala na siyang pakialam kung ano man ang iisipin ng ibang nakakakita.

"How dare you! Bitiwan mo 'ko!"

Sa halip na sundin ang sinabi ng babae'y lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito.

"Alam mo... kanina pa ako nagtitimpi sa inyo, e! I tried my best to ignore you but you're persistent. Ano bang problema niyo sa'kin? Inaano ko ba kayo, ha?"

"Because, you're a slut! No wonder kung bakit ang bilis mong nakarating sa level ko samantalang baguhan ka lang!" Nakipagtagisan din ito ng titigan sa kanya. Matapang nga talaga!

Mapakla siyang napangiti sa sinabi nito. Para siyang sinampal sa mukha sa pag-akusa nitong isa siyang bayarang babae—na lalong nagpakulo ng kanyang dugo.

"Alam mo, ayaw sana kitang patulan dahil una sa lahat, hindi mo 'ko kilala. Magiging pointless lang na makipagtalo sa 'yo with your false accusations. Pero, dahil mapilit ka at talagang sinasagad mo ang pasensya ko... Fine! Bibigyan kita ng kaunting background tungkol sa'kin."

Hindi sumagot ang babae. Halatang naghihintay sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"Let's wrap it up to the most recent happenings dahil wala na tayong oras. Listen, Vanessa. My journey all the way here was worse than stripping na hindi mo na gugustuhin pang malaman. But, here's the most interesting one, almost two years akong na-confined sa isang mental health facility. Isa akong literal na baliw dati. At maraming nagsasabing hindi pa ako lubusang magaling."

"My God!" Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Tiffany na noo'y tahimik lang na nanunood sa kanila.

"Yeah! You heard it right! Kaya hindi mo 'ko masisisi kung may magawa man ako sa 'yong bagay na hindi mo magugustuhan, Vanessa! Hindi ako nagbibiro kaya 'wag mo nang ipilit na patulan pa kita. I'm warning you!" Iniwanan niya ito ng mga titig na puno ng pagbabanta—enough to leave her speechless.

Nag-iwan ng mga bulong-bulungan ang naging eksena nilang iyon mula sa ibang mga modelong nakapansin. Pero hindi na niya pinansin pa. Ilang sandali na lang ay rarampa na siya kaya kailangan niyang linawin ang isip at payapain ang sarili para magawa niya ng maayos ang trabaho.

Mabuti na rin palang kinumpronta niya ang dalawa dahil ngayon ay nanahimik na ang mga ito. 

"Miss Misha, on queue!" saad ng isang staff na nangangasiwa sa timing ng kanilang paglabas.

The Dangerous Ex-WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя