TDEW 3: Meeting Harris Falcon

3.7K 88 40
                                    

Conference Room

SA HINABA-HABA ng usapin sa loob ng conference room, ay hindi pa pala tapos ang lahat. Bahagya nang nananakit ang ulo ni Misha dahil sa wala pa siyang pahinga magmula nang umalis sila sa mental hospital.

Hindi na rin niya kaya pang isipin lahat dahil unang-una sa lahat, hindi siya marunong lumaban. Wala pa siyang sapat na kaalaman sa kung ano ang mga gagawin niya.

Sandali siyang napahawak sa sentido para hilutin iyon. Ngunit, mayamaya lang ay narinig niyang bumukas ang pinto ng conference room kaya natigil siya sa ginagawa. Iniluwa niyon ang isang lalaki. Katulad ng iba ay nakasuot din ito black suit.

Sandaling nagtama ang kanilang mga mata bago ito tuluyang lumapit sa kanila.

'O...M...G! 'Apaka sarap naman ng lalaking 'to!' nasabi niya sa sarili.

Ang lakas ng dating nito. Mala-Adonis ang pangangatawan at may ubod ng guwapong mukha. Bagay na bagay din dito ang suot na suit na halos hapit na sa katawan sa laki ng mga biceps at matipunong dibdib.

Makailang beses na rin niyang inayos ang nakalugay na mahaba't maalong buhok para naman hindi siya magmukhang bruha sa paningin ng lalaki.

Halos hindi na niya maalis ang tingin dito. Tila kusa iyong napapako sa gawi nito.

'Ay, kaya lang... mukhang bata pa!' Bigla siyang napasimangot nang tuluyan itong makalapit sa kanya at mapagmasdan ng husto ang mukha.

Agad niyang inalis ang tingin sa lalaki upang iwaksi ang pagpapantasya. Ngunit, iyon naman ang paglapit nito sa kanya at huminto sa kanyang harapan.

"Hi! I'm Harris Falcon," pakilala nito't agad na inilahad ang palad sa kanyang harapan.

"Siya si Agent Harris Falcon, o mas kilala sa tawag na Agent Hunk while on the mission," ani Nagi.

"A-ah, nice meeting you," aniya. Kung gaano niya kabilis na inabot ang kamay nito'y gano'n din nito kabilis na binawi iyon na parang may pandidiri sa kanya.

Hindi tuloy niya napigilan ang lantarang ipakita rito ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Kung hindi siya gusto ng lalaking ito, mas lalo na siya.

'Antipatiko!'

"Siya ang may hawak sa case ng ex-husband mo, Misha. At ang magiging partner mo sa misyong ito. Siya rin ang responsable sa pagtuturo sa 'yo ng advanced self-defense, kung paano lumaban, at kumilos nang naaayon sa inyong posisyon bilang isang top secret agent," mahabang paliwanag ni Nagi.

"What?" Bahagyang napalakas ang kanyang boses sa nalaman.

Hindi niya gustong makasama ang antipatikong lalaking ito sa trabaho. Lalo na ang maging partner pa ito.

"Anong what?" takas-kilay na tanong sa kanya ni Nagi. Bigla rin itong naalarma sa takot na mapahiya sila sa harapan ng mga nakatataas. At takot na baka gumawa siya ng eskandalo.

"P-puwede bang mag-request? Puwede bang iba na lang ang i-partner niyo sa'kin?" bulong niya. Kahit papaano ay ayaw din niyang galitin ang mga nakatataas sa unang araw niya rito sa Federal Viper Group.

"Hindi puwede!" mariing turan ni Nagi sa mababang tono. Maging ito'y ingat na ingat din na may ibang makarinig ng kanilang usapan maliban sa kanilang tatlo.

"Pero—"

"Misha, it's not debatable! Bago ka pa man namin puntahan sa rehab ay naka-set na 'to. You'll be joining Harris for this mission. Dahil walang ibang naka-assigned sa mga Lewis kundi kayo lang na dalawa. You understand?"

"You can quit."

Salubong ang mga kilay, halos sabay sina Misha at Nagi na napabaling sa gawi ni Harris dahil sa sinabi nito.

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now