TDEW 4: Fighting, Misha!

3.1K 80 34
                                    

TATLONG araw ding hindi nagbiro si Harris at totoo ngang paulit-ulit na ipinagawa sa kanya ang paghampas ng tubig na nasa maliit na palanggana.

At sa totoo lang talaga'y sawang-sawa na siya at pagod na sa ganoong insayo—kung insayo man nga ang tamang maitatawag doon. Ngunit, natutunan din naman niyang habaan ang kanyang pasensya at ang magtiyaga sa paulit-ulit na gawain kahit paano. 

Tapos na siya roon kaya naman panahon na para mag-level up. Baril na ang hawak niya ngayon. Mabababang kalibre muna ang ipinagagamit sa kanya ni Harris at saka na lang daw sa matataas na kalibre kapag gamay na niya ang 45 pistol na hawak. 

"Okay! Break a neck, Baby!" Hinalikan muna niya ang hawak na baril bago ito itinutok sa shooting target. 

Pagkatapos niyang huminga ng malalim ay kinalabit na niya ang gatilyo ng baril. Bahagya pa siyang napaatras dahil sa lakas ng impact ng pagputok ng baril sa kanyang kamay. Doon niya naalala na kailangan niyang hawakan nang maigi ang baril. Kailangan din ng presence of mind para hindi niya ito mabitawan sakaling magulat siya.

Ang unang putok na iyon ay mintis. Ni hindi niya nahagip ang gilid ng shooting target.

"Kainis naman!" maktol niya. Pagkuwa'y muling itinutok ang hawak na baril sa target at ilang ulit na kinalabit ang gatilyo ng baril.

"Patience. Patience. Patience. Maraming patience!" saad niya sa sarili nang hindi pa rin nagawang patamaan ang target. Makailang inhale-exhale ang ginawa niya upang kalmahin ang sarili.

Nakakakaba pala ang unang hawak ng totoong baril. Pakiramdam niya'y makakapatay siya ng tao anumang oras. Nakakatakot.

"What the h*ll! Ang lapit-lapit na nga hindi mo pa rin mapatamaan, Misha!" pagalit niya sa sarili.

Ang galing din naman kasi ng mentor a.k.a partner niya at hinahayaan lang siyang mag-insayo rito sa loob ng shooting range mag-isa. Matapos nitong ituro sa kanya kung alin ang kakalabitin at kung paano hawakan ng tama ang baril ay iniwan na siya nito. E, hindi pa nga niya alam ang dapat niyang gawin o kung papaano ang tamang posisyon para mapatamaan ng maayos ang target. Basta lang siya nitong binigyan ng baril at inutusang tadtarin ng putok ang nag-iisang shooting target sa kanyang harapan na mga sampung metro ang layo.

"Haaay!" Naitirik na lang niya ang mga mata at muling sumubok. 

Makailang ulit pa niyang ginawa ang routine at sa wakas ay nagawa rin niyang patamaan ang target. Sa balikat nga lang. Hindi bulls eye pero bilib na balib na siya sa sarili ng mga sandaling iyon. Nagtatatalon siya sa sobrang tuwa at manaka-naka pang napapalakpak. 

"Harris, should see this! Ang galing ko talaga!" 

And speaking of the hot devil. Hayan na ang lalaki at papasok na sa loob ng shooting range facility. Galing ito sa main office ng Viper Institute at sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito'y medyo alanganin ang mood ng lalaki. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya ibalita rito ang achievement niya sa shooting. Kaya naman mabilis niyang inilapag ang baril sa desk na naroon at agad itong sinalubong. 

"Kumusta? May good news pala ako sa 'yo!" pagbubukas niya ng usapan. 

"Nag-insayo ka ba?" tila labas sa ilong na tanong nito. Para itong napipilitan at hindi naman talaga intensyong magtanong. 

"I guess? Ano ba'ng ginagawa ko rito? Obvious naman 'di ba?" pamimilosopo niya. "Halika, bilis! May ipapakita ako sa 'yo!" Bigla niyang hinatak ang lalaki patungo sa may shooting panel. 

"Ano ba 'yon?" nagtatakang tanong nito. Nagprotesta pa sa umpisa ngunit nagpahila na lang sa kanya. 

"Tingnan mo. Tingnan mo!" kinikilig na ipinakita niya kay Harris ang napatamaan niyang target. 

The Dangerous Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon