TDEW 1: Strangers in Coat

5.6K 120 27
                                    

MAHABANG pasilyo ang nilalakad ni Misha ng hapong iyon habang may dalawang nurse na nakaantabay sa kanyang tabi. Lumilipad ang isip sa kung anu-anong mga bagay. Mayroon daw kasing mga taong gustong kumausap sa kanya sa 'di niya malamang dahilan.

Sa mahigit isang taong pamamalagi ni Misha sa loob ng Sunshine Rehabilitation Center ay ngayon lamang siya nagkaroon ng dalaw. Kaya naman labis niya itong ipinagtataka.

Wala na rin siyang mga magulang para asahang dadalaw sa kanya. Mag-isa lamang siyang anak at namatay na sa isang aksidente ang kanyang mga magulang mahigit isang taon na rin ang nakararaan—na siyang lalong nagtulak sa kanya para mapadpad sa lugar na ito matapos pang hiwalayan ng dating asawa.

Siya ay ulilang lubos na. Sigurado rin siyang walang ni isang kamang-anak ang nakakaalam ng kinaroroonan niya. Malamang wala na talaga silang pakialam sa kaniya at maging sa mga magulang niya. Dahil ni isa ay wala man lang pumunta noong burol ng mga ito.

Si Misha ay bunga ng maagang pagkaaksidente ng kanyang ina. Halos kakatuntong pa lamang nito sa edad na labin'walo nang malaman ng mga magulang na buntis na ito sa kanya. Kaya naman mahigpit iyong tinutulan ng kanyang lolo't lola. At sinabing ipalaglag ang nasa sinapupunan habang maaga pa.

Labis iyong tinutulan ng kanyang ina. Kaya nagpasya na lamang itong sumamang makipagtanan sa kanyang ama—na handa namang panagutan ang lahat dahil lubos silang nagmamahalan.

Dahil doon ay lalong tumindi ang galit ng mga magulang ng kanyang ina. Sukdulan, hanggang sa isinumpa ng mga ito na 'wag na 'wag ng magpapakita sa kanila dahil hindi na ito kikilalanin pang miyembro ng pamilya.

Ang kanyang ama naman ay piniling huwag na ring ipaalam pa sa sariling pamilya ang kinaroroonan at katayuan nila dahil ayaw nitong magkagulo pa ang dalawang angkan. Dahil baka isiping may alam ang mga ito't pinagtatakpan sila o kinukunsinti pa.

Kaya naman wala siyang ibang kinilalang pamilya kundi ang ama't ina.

MALAYO pa lang ay tanaw na ni Misha ang isang babae't isang lalaki na matamang naghihintay sa may bench ng malawak na hardin. Nakasuot ang mga ito ng black suit at necktie na mukhang nagtatrabaho sa mga bigating opisina. Napakapormal ng kanilang mga hitsura—bagay na wala sa hinagap niya ang mga ganitong klase ng tao ang dadalaw sa kanya rito.

'Sino ang mga 'to? At ano naman kaya ang kailangan nila sa'kin?' tanong niya sa sarili.

Hindi maganda ang kutob niya sa prisensya ng mga ito. Kaya kung kinakailangan niyang magbaliw-baliwan at ipalabas na hindi pa talaga siya lubusang magaling ay gagawin niya.

Mayamaya'y lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang tuluyan na silang makarating sa kinaroroonan ng mga ito. Pinili niyang huwag magsalita hangga't hindi pa kailangan. Pag-aaralan at aalamin muna niya ang totoong pakay ng mga ito sa kanya.

"Please, have a seat Mrs. Lewis—" nakangiting bungad sa kanya ng babae't inihanda pa ang mauupuan niya. Ngunit, agad namang bumawi ang babae nang makitang bigla niya itong  tinitigan ng masama. "Oh, I'm sorry, Ms. Ramirez. Maupo ka."

Marahan naman siyang umupo sa itinuro nitong silya nang walang binibitawang salita. Nakapako ang kanyang mga mata sa unahan niya, tagos sa mga kaharap na estranghero. Iyon ay dahil ayaw niyang salubungin ang mata ng mga ito. At ayaw niyang mabasa ng mga ito ang kanyang mga mata.

'Hmmm kilala nila ako. At mukha ring may alam sila tungkol sa nakaraan ko.' Patuloy niya sa isip.

"Ako nga pala si Nagi. Isa akong Black American, Federal Agent mula sa Federal Viper Group," pagpapakilala ng babae sa kanya. Ngunit hasa ito sa pananagalog.

Inilahad nito ang kamay upang selyuhan ang pagpapakilala ngunit tinitigan lamang niya iyon.

"A-ah..." Nag-aalangan namang binawi na lang ng babae ang kamay nito matapos ang ilang sandali. Sinulyapan nito ang lalaking kasama at maging ang dalawang nurse na kasama niya. Halatang napahiya ito. Ngunit, pilit pa rin itong ngumiti. Tila natatakot ang babaeng magalit siya sa kanila.

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now