TDEW 7: Wild, Wild, Wild

2.6K 84 16
                                    

NAGPAKALUNOD si Misha sa alak at hindi rin nagpaawat sa dance floor. Hanggat hindi tumitigil ang kasama ng dati niyang asawa sa pagpapasikat, ay wala rin siyang balak na tumigil. Hindi siya papatalo.

Mayamaya’y kinabig niya palapit ang lalaking kasayaw—na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan. Niyakap niya ito’t lalo pang sumayaw ng daring. Ginaya niya ang walling dance ng babae sa katawan ng kasayaw. Gumigiling siya pababa at pataas. Bagay na gustong-gusto naman ng lalaki.

“Hooo! Yeah!” anas niya habang isinasabay sa tugtugin ang kanyang pag-indak.

Maya’t maya rin niyang sinusulyapan si Loven para makita ang reaksyon nito. Madalas niya itong mahuling nakatingin sa gawi nila. Ngunit, hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Bukod sa may kadiliman sa paligid dahil tanging disco lights lamang ang nagbibigay liwanag sa dance floor, ay parang ginagawa rin nito ang lahat maitago lang ang totoo nitong nararamdaman.

Kaya naman, lalo pa niya itong tinukso. Sa kanilang pagsasayaw ay halos gahasain na niya ang lalaking kasama. Nagawa rin niyang ipahipo sa lalaki ang kanyang dibdib habang gumigiling at nakakunyapit sa balikat nito. Nilunok niya ang lahat ng kanyang hiya at ginawa ang lahat upang mag-init ang mga mata ng dating asawa. Ngunit, ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang yayain na nito ang babaeng lisanin ang dance floor.

‘Baka naman… nag-iilusyon lang ako? As if namang may feelings pa siya sa’kin! Dahil kung mayro’n man, hindi niya ako dapat na hinahayaang hipu-hipuan ng kahit na sinong lalaki habang nagpapakalasing.’ Napa-ismid siya sa isiping iyon. Masakit pa rin talaga ang makita itong wala ng pakialam sa kanya.

Nang mga sandaling iyon ay hindi na niya nagawang kumilos sa kinatatayuan. Bigla siyang nawalan ng ganang sumayaw. Nagbabadya na rin ang kanyang mga luha. Ngunit, pilit pa rin niya iyong pinipigilan. Nangako siya sa sariling hinding-hindi siya magpapakita ng kahinaan sa harapan ni Loven. Pero, ang hirap diktahan ng damdamin. Mas sutil pa ito kaysa sa kanyang pride.

At bago pa man niya tuluyang hindi mapigilan ang sarili’y siya namang pagdating ni Harris. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanyang braso palayo sa lalaking kasayaw niya.

“What are you doing?!” mariin ngunit mahinang kompronta nito sa kanya.

“Hey, Pare! Puwede bang ibalik mo sa’kin ang ka-date ko?” iritang turan ng lalaking kasayaw ni Misha. Sumunod ito sa kanila’t halatang hindi nagustuhan ang biglaang paghila ni Harris sa kanya.

“At sino naman ang nagsabing date mo siya, ha?” Galit na hinarap ito ni Harris.

“I said it!” tipid nitong sagot at nakipagtagisan ng titigan kay Harris. Hinawakan din nito ang kabilang braso ni Misha’t bahagyang hinila palapit sa kanya.

“Let her go!” Puno ng pagbabanta ang mga titig na ipinupukol ni Harris sa lalaki.

“No.”

“I said, let her go!”

“Aray ko! S-sandali nga!” Pinilit ni Misha na kumawala sa dalawa. Ngunit, hindi iyon pinahintulutan ng mga ito. “Masakit na ha!”

Nasasaktan na siya sa higpit nang pagkakahawak ng mga ito sa braso niya. Isa pa, nakita niya ang hitsura ni Harris na parang isang bomba na segundo na lang ang hinihintay at sasabog na sa galit. Doon siya tila nahimasmasan at bumalik sa katinuan. Nawala na pala sa isip niya ang dahilan ng kanilang pagdalo sa party na ito. Masyado siyang nagpadala sa nararamdaman para sa dating asawa.

“I… I’m sorry… Siya ang kasama ko dito sa party,” pag-amin niya sa lalaki—dahilan para ito na mismo ang bumitaw sa kanyang braso.

“I thought you’re alone?” tanging natanong ng lalaki. Halatang napahiya ito.

The Dangerous Ex-WifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz