TDEW 17: The Hurts You Never Knew

1.8K 44 21
                                    

It's a total heart break realizing that the person you really want to spend your life with does not belong to you in this lifetime

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's a total heart break realizing that the person you really want to spend your life with does not belong to you in this lifetime...

***

NANG gabi ring iyon ay nagpakalango sa alak si Loven. Katulad ni Misha'y gulong-gulo na rin ang isipan niya. Puno rin siya ng pag-aalala para sa dating asawa. Kilala niya ang ama. Gagawin nito ang lahat huwag lamang masira ang pangalan. At ang pagpatay ng tao'y parte na sa mga pagpipiliang kaya nitong gawin nang walang pag-aalinlangan.

Bata pa lamang ay ganito na niya nakilala ang ama. Kaya naman lumaki siya nang malayo ang loob dito. Isa pa, habang nagkaka-edad siya't nasasaksihan kung gaano ito kasamang tao'y lalong lumalaki ang takot niya para rito.

Kung hindi lamang para sa inang may karamdaman ay hindi niya nanaisin pang bumalik at manatili sa poder nito. Kaya nga noong makasal sila ni Misha at bumukod na sa mga magulang ay noon lamang siya nakahinga nang maluwag at nakatulog nang mahimbing.

Si Misha ang nag-iisang taong nagpakilala sa kanya ng panibagong mundo—mundong ibang-iba sa kinagisnang nababalot ng takot at pangamba. Ang mundong iyon ay malaya, masaya, at puno ng pagmamahal. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pag-aalinlangan basta't kapiling niya si Misha. Ngunit, ngayo'y iniwan na niya nang tuluyan ang mundong iyon at muling bumalik sa madilim na kinagisnan. At makakayanan niyang magdusa habambuhay kung iyon lamang ang tanging magagawa niya upang mapanatiling ligtas ang nag-iisang babaeng laman ng kanyang puso maliban sa sariling ina.

"Huwag na sanang magkrus pang muli ang mga landas natin, Misha..." Nababalong na naman ng luha ang kanyang mga mata. "I guess, this is the best thing to do... to finally let you go."

TWO YEARS AGO...

"Hiwalayan mo na ang asawa mo, Loven."

Hindi naituloy ni Loven ang pag-inom ng whiskey dahil sa sinabi ng ama. Out of nowhere ang biglaan nitong paghahayag ng hiwalayan sa gitna ng noche buena ng pamilya. Agad ding hinanap ng kanyang mga mata ang lokasyon ng asawa sa takot na baka marinig nito ang sinabi ng ama.

Nasa may balkunahe silang mag-ama samantalang si Misha nama'y sinamahan ang kanyang ina sa silid nito upang makapagpahinga na.

Bahagya siyang nakalma nang matiyak na wala sa paligid si Misha. At muling hinarap ang ama.

"What did you say, Dad?"

"You heard it right, Loven. Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko."

Matagal niyang pinakatitigan ang mukha ng ama at natitiyak niyang hindi ito nagbibiro.

"I have to keep my enemies out of my way..." muling turan ng kanyang ama. "Hindi ako puweding mangalaga ng mga kaaway sa poder ko!"

"What do you mean, Dad? We're family! Asawa ko si Misha!" Gusto man niyang taasan ang boses upang ipagdiinan sa ama ang posisyon ni Misha sa buhay niya—kung sakali mang nakakaligtaan na nito—ngunit, hindi niya magawa sa takot na marinig ni Misha ang kanilang pinag-uusapan.

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now