TDEW 21: What A Mess Vengeance

774 30 9
                                    

LAHAT na yata ng ospital na malapit sa GoldWin Resorts & Casino ay napuntahan na nina Vanessa at Harris sa pagbabakasakaling isa sa mga iyon ang pinagdalhan kay Misha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAHAT na yata ng ospital na malapit sa GoldWin Resorts & Casino ay napuntahan na nina Vanessa at Harris sa pagbabakasakaling isa sa mga iyon ang pinagdalhan kay Misha. Ngunit, bigo silang mahanap ito.

"Do you think, walang balak si Mr. Lewis na dalhin ang ex niya sa hospital?" balisang tanong ni Vanessa. Lihim niyang kinakastigo ang sarili sa takot na baka may iba nang nangyaring masama kay Misha.

Matagal munang hindi nagsalita si Harris. Tila hinahanap pa nito sa isipan ang posibleng dahilan kung bakit hindi dinala ng lalaki sa ospital si Misha. Malaki na rin ang pagdududa nitong baka si Loven nga ang may kagagawan ng pamamaril.

"Ihahatid na kita pauwi," sa huli'y ito lamang ang naging sagot sa kanya ni Harris.

Agad siyang nabahala. Hindi siya palagay na husto na ang involvement niya sa nangyaring ito para magkaroon ng malapit na koneksyon sa lalaki. Hindi rin niya lubos akalain na ganito ka-reserved ang lalaki't mahirap basahin ang kilos. Pansamantala tuloy siyang na-mental block at nangangapa sa susunod na gagawin.

"Miss?" He snapped his fingers to her face. "You okay?" 

"A-ah! Yeah! Yeah!" Doon lamang siya muling natauhan at alanganing ngumiti sa lalaki habang sunod-sunod ang ginawang pagtango. "Can I... j-just go to the restroom first?" 

"Okay. I'll just get the car ready. Sumunod ka na lang," turan ng lalaki't mabilis na siyang iniwan. Halata sa kilos nito ang pagmamadali.

Siniguro muna niyang makalabas ito ng pinto bago siya kumilos at tunguhin ang restroom. Kailangan muna niyang linawin ang isip dahil baka mauwi lang sa wala ang lahat ng ginawa niya.

HABANG naglalakad si Vanessa papunta sa parking lot ay paulit-ulit siyang bumubuga ng malalalim na buntong-hininga. Kahit pa siya ang may kagagawan ng lahat ay hindi niya maiwasang mag-alala para kay Misha. Kalabisan man ang ginawa niya out of desperation, pero nangyari na. Isa pa, napakalinis ng family background ng mga Falcon at wala siyang makitang maaaring i-ugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang maliban sa sulat na natagpuan niya sa kamay ng ama nang araw na paslangin ang mga ito.

Ilang taon na niyang iniimbistigahan ang lahat ng posibilidad na makakapagbigay sa kanya ng lead tungkol sa kaso pero habang tumatagal ay parang lalo siyang nawawalan ng pag-asa. 

Malabo na ngang makakuha ng solid evidence sa mga ganitong cold murder cases at tanging ang pagkalap na lamang ng mga circumstantial evidence ang maaari niyang asahan para muling buksan ang kaso. Isa pa, wala man lang ni isa sa kanilang mga kamag-anak ang may gustong ituloy ang pagpapa-imbistiga sa kaso dahil sa takot na sila naman ang balikan ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang--siyang dahilan kung bakit kinalimutan na ang kasong ito't hindi na muli pang napag-usapan. Hindi niya iyon matanggap kaya isinumpa niya sa puntod ng mga ito na siya ang magbibigay hustisya sa mga magulang. 

Malayo pa lang ay tanaw na niya ang lalaki na nakatayo't bahagyang nakasandal sa gilid ng kotse nito. Nakabukas ang ilaw niyon sa loob at buhay na rin ang makina. Bigla tuloy siyang nagmadali sa paglalakad sa isiping nakakuha na ito ng impormasyon sa ospital na kinaroroonan ni Misha dahil may kausap din ito sa telepono. 

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now