TDEW 13: Showtime

1.7K 57 11
                                    

MAHIGIT ISANG BUWAN ang ginugol ni Misha sa pag-iinsayong maging isang professional model sa tulong na rin ni Miss Lexie

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

MAHIGIT ISANG BUWAN ang ginugol ni Misha sa pag-iinsayong maging isang professional model sa tulong na rin ni Miss Lexie. Naging sobrang abala siya noon at walang sinayang na oras. Marami siyang dinaluhang mga workshops at seminars. May ilan na rin silang kinausap na sponsors upang gawin siyang modelo ng ilang commercial brands. Ang lahat ng paghihirap nila'y unti-unti na ring nagbubunga at masasabi niyang nagugustuhan na rin niya ang larangang ito.

"Good job, Misha!" Marahan siyang kinamayan ni Nagi pagpasok niya ng conference room.

"Thank you!" Ngayon lamang siya naging palagay sa loob ng conference room na kasama ito. At iyon ay dahil alam niyang nagagawa niya ng tama ang gusto ng institute.

Saglit din niyang sinulyapan si Harris mula sa kabilang bahagi ng mahabang lamesa sa pagitan nila upang makita ang reaksyon. Ngunit, katulad ng inaasahan, nakakunot pa rin ang noo nito. 'Tsk! Ano pa nga ba ang aasahan ko?'

"Okay. Now, pinatawag ko kayong dalawa to discuss your next mission."

Bahagyang tango lamang ang naging tugon ng dalawa. Kaya biglang nangunot ang noo ng babaeng Federal Agent nang walang nangahas na magsalita sa kanila-lalo na ang magprotesta na siyang kinasanayan na ni Nagi sa tuwing pag-uusapan ang planong misyon.

"Well..." Nakahinga ito ng maluwag dahil siguradong hindi ito mahihirapan ngayon sa gagawing pagpapaliwanag. "Ang misyong ito'y may kinalaman sa new profession ni Misha. May isang big sponsor company na maglo-launch ng kanilang new signature line."

"A-anong signature line?"

"Maglalabas ng bagong womenswear and lingerie ang W Company at ipapakilala nila iyon sa pamamagitan ng isang fashion show event. Isa iyong malaking event na dinadaluhan ng malalaking kompanya. It's like a Victoria's Secret's fashion show in the Philippines. At dahil nalilinya sa clothing line ang business ng dati mong asawa..." Tinitigan muna siya nito na tila gustong aprobahan muna niya ang sinabi bago nagpatuloy. "He's expecting to be there as well."

"Tapos, ano ang gagawin namin sa event?" Sa misyon siya mas interesado ngayon. At doon lang naman talaga dapat.

"Misha, you'll be one of the runway models. And after the event, magkakaroon ng grand ball as an extended celebration na gaganapin sa kaparehong venue," paliwanag nito. "At inaasahan na dadalo rin sa event na iyon ang ilang malalaking business names na pinaghihinalaang sangkot sa drug trade na kinabibilangan ni Mr. Lewis. At lahat ng runway models ay invited sa ball. That would be your chance para manmanan ang kilos ng dati mong asawa. Alamin mo rin kung sinu-sino ang mga makakausap niya sa event, makakasama, at makakasalamuha. At kung magkakaroon ka ng pagkakataong mapakinggan ang kanilang mapag-uusapan sa gabing iyon, mas mainam."

"Iyon lang ang gagawin ko?" Hindi na maaari pang maulit ang kapalpakang nagawa niya noon. This time, 'no more room for mistakes' ang motto niya.

The Dangerous Ex-WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora