TDEW 20: Better Be Ruined

2.1K 61 27
                                    

SINIGURADO ni Vanessa na naka-lock nang mabuti ang pinto ng kanyang hotel room nang magbalik siya sa loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SINIGURADO ni Vanessa na naka-lock nang mabuti ang pinto ng kanyang hotel room nang magbalik siya sa loob. Nagtatalo ang kanyang isip kung dapat bang isagawa na ngayon ang naiisip na plano.

'This is your chance, Vanessa! Kusa na sa 'yong lumapit ang pain! You can't miss this opportunity or else babalik ka naman sa umpisa!'

Binalikan niya sa alaala kung gaano kalapit ni Harris Falcon kay Misha noong gabi ng fashion show ball. Hindi rin nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagpapakilala nitong boyfriend ng babae sa harapan ni Loven Lewis nang mawalan ito ng malay. Kaya naisip niyang higit kanino man ay mas magagamit niya si Misha upang makalapit sa lalaki. Ito ang unang pumasok sa kanyang isip nang sandaling makita si Misha sa reception area nitong hapon, at ang siyang dahilan kung bakit niya ito inimbitahang maging guest niya.

'I'm sorry, Misha. But, I have to do this!' Sa huli'y mas umiral sa kanya ang galit kaysa pagkaawa. Isa pa, wala naman silang magandang relasyon ng babae para kaawaan niya ito't makunsensya sa gagawin.

Matapos makapagpasya ay mabilis niyang tinungo ang vanity table kung saan nakalagay ang mga gamit ni Misha. Binulatlat niya ang laman ng bag nito't kinuha ang cellphone ng babae. Una niyang tiningnan ang emergency call at masuwerte namang nasa speed dial ang numero ni Harris. Hindi na niya kailangan pang problemahin kung paano iha-hack ang password nito.

'This is my lucky day!' Lalo tuloy siyang nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ang binabalak dahil tila umaayon sa kanya ang pagkakataon. 

Dali-dali niyang tinungo ang silid at kinuha ang baril na nakalagay sa safe. Nang magbalik sa sala ay muli niyang sinipat ang lokasyon nina Misha at ng kanyang pinsan. Naroon pa rin ang mga ito sa tabi ng swimming pool kung saan niya iniwan. Magkatabi itong nakaupo sa pool chair habang abala sa pagkukuwentuhan. Ang buong atensyon ng kanyang pinsan ay nasa babae. Halatang interesado si Lucas kay Misha. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa itong akitin ng babae. Hindi naman torpe si Lucas para gawin nito iyon. Ano man ang dahilan ay ayaw na niyang pag-aksayahan pa ng oras na isipin. Isa lamang ang concern niya--ang konseksyon ng babae kay Harris Falcon. Nagpakilala itong nobyo ni Misha ngunit ito namang babae'y kumakalantare ng ibang lalaki. Pansin din niyang naging balisa ang babae kanina nang magkaroon siya ng pagkakataong magtanong kung ano ang gagawin nito sa resort. Sinubukan din niyang hulaan sa paggamit ng pangalan ng kanyang pinsan at hindi niya lubos akalain na matutumbok niya ang pakay nito. 

Muli niyang binalikan ang cellphone ng babae at tinawagan ang numero ni Harris. Ini-loud speaker din niya iyon. Habang hinihintay na sagutin ng lalaki ang kanyang tawag ay ipinuwesto na niya ang sarili sa gilid ng sliding door ng teresa. Bahagya niya itong binuksan--sapat lamang upang magkasya ang dulo ng hawak na baril na nakapunto sa direksyon ni Misha. 

["Oh, ba't napatawag ka?"] 

Wala pang isang minuto ang nakalilipas nang marinig na niya ang tinig ng lalaki sa kabilang linya. Tipid siyang napangiti at binati ito ng isang malakas na putok ng baril. Walang palya ang putok na iyon nang matagumpay niyang mapatamaan si Misha sa kanang dibdib nito na agad namang nagpaalarma sa mga tao sa venue ng party. Biglang nagsipagpulasan ang mga tao at hindi magkanda-ugaga kung saan tatakbo. Ngunit, ang pinsan niyang si Lucas ay hindi umalis sa tabi ni Misha. Labis-labis ang pag-aalala nito habang sinisipat ang sugat ng babae na noo'y tila mawawalan na ng ulirat. 

The Dangerous Ex-WifeWhere stories live. Discover now