Tall Grass No. 11

56 1 0
                                    

.......

___🍂___



Yun lang ang tanong na umiikot sa isipan ko saka ko lang sila nakitang sabay nilang nilapitan si Klaydoien kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng mansion na eksaktong hindi ko inasahan na ganun ang tagpuang makita ko



Hawak hawak ni Pirriedioen ang kamay ni Ache na pilit iwinawaksi ito na mukhang may alitan silang dalawa dun sa tagong hallway. Hindi ko na sana papansinin nang biglang mabilis na inumuwesra ni Pirriedioen si Ache at hinalikan sa labi.



May hindi ba sinasabi si Ache sa akin?




Lalapitan ko na sana sila para sana konprontahin nang nagsibabaan yung mga apo at si Mama sa itaas kaya na mukhang nanalo ng loto si Mara dahil sa laki ng ngiti, tsk. Ibinalik ko uli yung paningin ko dun sa hallway para sana pagtakpan sila pero wala na roon sila.




" Eby anak " punong puno ng pananabik ang pagtawag sa akin ni Mama at iniyakap niya ako sakanya ng napakahigpit





" Mama I miss you" masayang kong tugon at mahigpit siyang niyakap





" Ang daya daya mo anak kung hindi pa sinabi sa akin ni Doien apo ko ay hindi pa kita makakabonding " sabi ni Mama at sabay lingon niya sa likuran ko kaya napalingon din at dun ko lang nakita na nasa akin ang atensyon nilang tatlo pero iba kung makatingin sa akin si Doien






" Oo nga hu Mama. I'm sorry Mama kailan lang kasi nasabi nung kleyente ko" iniwala ko yung tingin ko sa kanila upang hindi mahalata yung pangangamba





" Oh siya magsitungo na tayo sa kusina. Who wants some cake " masayang masaya si Mama habang nagsisiunahan na yung lahat saka ko lang naramdaman na kasabay ko na pala si Doien sa likuran ko at pilit niyang inaabot yung kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.






Ang bait ni Mama sobra na hindi niya namalayan tong mga ganitong pangyayare. At taimtim kong pinagdarasal na sana lilipas din ito. Hindi ko kayang saktan ng husto si Mama






" Doien please nandyan si Mama. Yung Lola mo" bahagya pa akong pumikit matapos kong masabi iyon. Nakakaasiwa sobra kaya hanggat maaari ay lumayo layo muna ako ng distansya at nagtagumpay naman ako. Bantay sarado yung galaw ko dahil na sa akin pa rin ang atensyon nila kuya Dynise at Marian na kung hindi pa siya kinausap ni Aliénor ay hindi talaga niya ako lulubayan ng atensyon.


..........
Tinodo nahh hahah baka kasi matatagalan na naman ulit at mamimis lalo ❣️

Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon