African Daisy No. 16

56 1 0
                                    

.......

___🍂___





" Sinunog mo yung training center ko. Ipapadala na sana kita sa tanggapan pero naawa ako sayo dahil katulad mo rin ako lumaki ako sa kahirapan iniwan ako ng nanay ko sa sa gitna ng kalsada para guminhawa raw yung buhay ko pero ang tanong guminhawa ba. Hindi. Sa murang edad ko kun saan saan ako napadpad at walang tumanggap sa akin. Dito sa lugar na ito nakilala ko yung taong binihisan ako pinapakain pero hanggang dun lang yun. Ni Hindi nga nila alam na ito yung kauna-unahang negosyo na itinayo ko dahil kayong mga kabataan ang naging inspirasyon ko para kayo ay matutong lumaban. Dito sa lugar na ito ang kauna-unahang naimulat ko yung mata ko. Dahil alam natin pareho na hindi tayo makakain hanggat hindi tayo marunong kumapit sa patalim hindi ba " sinabi ko sa harapan niya na hindi porket may negosyo ay ayos lang sayo na balewalain yun. Nakaluhod pa rin sa harapan ko yung bata







" Tumayo ka na " Hindi ko intensyon na paluhurin siya sa harapan ko. Tumayo na yung bata pagkatapos kong sabihin iyon saka ko lang siya hinawakan sa mukha. Napakagwapong bata at sinisigurado ko na gwapo ito sa paglaki.






" Anong pangalan mo " tinitigan ko ng maigi yung mukha niya at nakikita mo rin sakanya na nagsisi siya sa nagawa niya. Ayokong ako yung dahilan ng pagkatrauma niya kaya hanggat sa kaya ko pagsabihan ko siya na para kong kapatid. Atsaka nun ko lang nasabi sa sarili ko na kayang kaya kong maibalik yung pera para mapaayos ko uli yung training center ko





" Weston po " sabi niya at bahagya pang tumulo ang luha niya saka ko siya pinapatahan.




" Tahan na Weston. Hindi naman ganun kalaki yung galit ko sayo eh. Pera lang yun kayang kaya ko yun. Tahan na " ngumiti ako sakanya saka niya ako niyakap at dun na napaiyak ng husto yung bata.







" Pata...wad po....hik " Weston







" Oo na. Tahan na. Smile ka na please " sabi ko at hinihimas ko yung likuran ni Weston







" Ang bait niyo po.... Ma'am" sabi ni Weston saka siya humiwalay sa akin at hinawakan ko siya sa kamay





" Weston... Ate nalang ang itatawag mo sa akin ha. Huwag na yung ma'am " bahagya akong napatawa kaya napangiti yung bata saka niya ako niyakap uli bago humiwalay





" Pero..." Utal ni Weston kaya natigilan ako at sumeryoso






" A_ate... Ang totoo po niyan ayoko po talagang gawin yun kasi nga po patas naman po kayo sumahod sa mga magulang ko kaya lang po may lumapit po sa akin po na babae mas malaki po kaysa isinahod po ninyo sa mga magulang ko kaya ko po nagawa yun. Patawad po ate" nakayukong sabi ni Weston. Napaangat yung kilay ko sa sinabi ni Weston kaya umupo ako sa harapan niya para matanong ko siya






" Uhmm... Tanda mo pa ba yung babaeng nagutos sayo atsaka nalaman mo rin ba kung bakit niya yun nagawa sayo? "





" Opo ate tandang tanda ko pa po yung mukha niya kaya lang po yung pangalan niya po hindi ko alam kasi hindi po siya nagpakilala atsaka po ang sabi niya mayaman ka naman pala eh bakit mo pa raw siya inagawan. Patawad po ate"






Nagtataka ako kung sino man siya. Wala akong matandaang may inagawan akong tao







" Okay na yun Weston makikita naman uli yung pinaghirapan ko eh. Kakarmahin rin siya kung sino man siya"






" Ate I'm sorry" Niyakap ko nalang si Weston





.......................
Lovelots ❣️
Thank you ❤️

Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Onde histórias criam vida. Descubra agora