Marigold No. 3

82 1 0
                                    

Aliseburgundymarei NOTE: THAT PHOTO SHOWN ABOVE IS NOT MINE. The purpose of the media above is to show how he will look like in this scene.

.......

___🍂___



Itinabi ko yung kotse sa nadaanan ko napakalawak na lupain at hindi inalintana yung kalaliman ng gabi bago ako bumaba na mabuti at naisipan ko pang kumuha ng jacket sa cabinet.

Agad naman akong sinalubong ng  lamig  sa ilalim ng gabi na punong puno ng mga bituin at ang bilog na bilog na buwan pero nabigla ako na mula rito sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko yung kabuuan ni Doien  naiilawan siya sa kanyang kotse mula sa kanyang likuran.



"Donnie"


Napapikit na lamang ako sa aking mga mata na kaya  ko lang naman inihinto yung kotse ay dahil kailangan kong kausapin si Doien sa pagtangkang pagsunod niya sa akin.




" Hindi ka ba marunong makaintindi " galit kong sita sakanya saka ako lumapit ng konti sakanya na bahagya pa akong nagulat ng konti sa kanyang  hitsura sa ngayon na magulo ang buhok, Levi's men's jeans at medyo gusot na yung Ralph Lauren long sleeves at bahagya pa itong nakabukas.



Sa katayuan ni Doien ay masasabi kong kagagaling niya lang sa trabaho  at hindi nagatubiling magpalit ng bago saka sumabay na kila Tita Ladeille papunta sa amin. Wala namang masama dun atsaka para nga siyang model... Kainis neto...



"Donnie... Pagpasyensyahan mo nalang ang ginawa ni Mara"



Bigla akong napataas ng kilay sa sinabi niya at naguguluhan ako dahil hindi naman siya ang may atraso sa akin kundi si Mara.




"Really!?... Bakit ikaw ba ang may kasalanan ha Doien. Alam mo ang mabuti pa umuwi ka nalang sa inyo kasi wala itong patutunguhan" sabi ko sakanya saka ko tinitigan siya na makikita mo na nagulat siya dun sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit inis na inis na siya sa ngayon... Hindi naman kami magkaaway neto ahh.



" Fuck " Bulaslas niya kaya ako nagtataka nang makita kung humakbang siya ng konti papalapit sa akin dun na ako umatras kaya sa huli huminto nalang rin siya.



" Excuse me " Taas kilay kong ekspresyon sakanya saka niya lang ginugulo ng paulit ulit ang kanyang reddish dyed hair... Sheteee... Maghunos dili ka nga Eby.



"Don't tell me Donnie you used that authority to win against me?... Fuck... What's wrong with you?... Donnie I have mine too so you just can't shoo me away like that... " Sabi niya at oo alam na alam ko iyon pero wala na akong karapatan sa ganun...



" Umuwi ka nalang Doien. Total si Mara naman ang puno't dulo neto ng lahat kaya labas ka na dun " paliwanag ko sakanya na mukhang hindi niya pa rin makuha yung sinasabi ko.


"Donnie..."tumalikod nalang ako kasi hindi ko na kayang makita siya sa ganung estado at pati yung kanyang boses na hirap na hirap na siya at konting konti nalang maiiyak na siya...




At sa akin niya lang iyon pinapakita.

  

" Please... Nakikiusap ako Donnie na uuwi na tayo... Alam kong isa ka sa mga Tita namin pero Donnie hindi ka naman pumapayag dun ahh. Alam na alam ko yun " nahihirapan niyang sabi na mas nanaisin ko nalang na pagtakpan tong tainga ko....


"Hindi na Doien " at dun na nga ako humarap uli sa kanya na halatang halata na bagsak na ang kanyang mga balikat dun sa sinabi ko.


" Huh " Sa mga sandaling iyon mas nangingibabaw sa akin ang kaba sa aking puso pero pinili kong hindi iyon pakinggan.


"Donnie you're just joking, right " Halata sa mukha niya na sa akin nakasalalay ang situasyon sa ngayon.



" No, Doien mas mabuti pa siguro na hindi na muna ako magpapakita sa inyo pero huwag kang magaalala kung ang inaalala mo yung Mamigo mo ay magpapaalam ako sakanya ng maayos kaya umuwi ka na..." patapos ko na sana sabihin iyon nang bigla niya akong nilapitan at niyakap ng napakahigpit at dun na siya umiiyak.



Nabigla ako dun ng husto kasi hindi ko eto inaasahan sakanya at saka ko lang pilit siyang inilalayo sa akin.



" Doien please lang... Nagmamakaawa ako " pakiusap ko na hindi ko na rin namalayan yung sarili ko na umiyak na pala ako.




"Donnie please huwag... Ayoko... Dito ka nalang... Kung gusto mo isama mo na lang rin ako sa pupuntahan mo... Seryoso ako Donnie please..."sabi niya at sa huli rin ay nagtagumpay ako sa pagkatanggal niya sa pagkakayakap sa akin at lumayo na ako sa kinatatayuan niya.


" Ayoko na Doien... Nauubos na yung pasensya ko sa inyong magpipinsan... Magpapaalam ako ng mabuti kay Mama " pagkatapos nun ay tuluyan na akong tumakbo papasok sa aking kotse na wala ng lingon lingon pa kay Doien baka kasi hindi ko matiis at maisama ko siya sa pupuntahan ko...


Sa makalawa pa yung byahe ko papuntang Merckero Devoinne at dun na muna ako mamalage habang hindi ko pa ito naayos.



" I'm sorry Mama... Babalik rin ako pagkatapos neto " tulo't luhaan akong nagmaneho atsaka Doien can survive... I can assure you that.

Makalipas ang labing-anim na minuto sa pagmamaneho ay itinabi ko na muna yung kotse ko sa nadaanan na 24/7 shoppe kasi nakaramdam ako pagkaantok kaya minabuti ko muna na magpalipas ng ilang minuto rito sa shoppe kaysa naman madisgrasya yung kotse ko sa madaanan ko.

Pagkaparada ko sa kotse ay pinatay ko muna yung ilaw sa loob netong kotse atsaka hindi pala ako nakatawag kay Mama. Mamaya na siguro kapag nandun na ako sa resort.



Lumabas na ako Ng kotse at saka tinahak na yung daan papasok ng 24/7 atsaka ako namimili ng mga kakainin ko at sa darating na byahe habang dala dala ko na lahat ay may napansin ako na kasing hawig yung jacket nung bago nilang kaibigan... S*** Eby baka naman guni guni mo yun kasi pasado alas 12:00 na ng madaling araw atsaka hindi na malabo yung mga guni guni...



Matapos kong nabayaran lahat lahat ay hindi na ako nagaksaya pa ng oras kasi gustong gusto na ng katawan ko na humiga.





Sa kalagitnaan ng napakahabang byahe ay nakikinig nalang ako sa mga bagong kanta kaya hindi ko maiwasan na mabuksan muli yung mga bagay bagay na matagal ng nakatago rito sa dibdib ko at mas lalo na yung kwento ko na kung bakit ako napunta kay Mama pero kahit na ganun man iyon ang nangyare may karapatan pa rin si Mama sa akin.


Sa totoo lang may kaba pa rin ang namutawi sa puso ko tungkol sa desisyon kong ito pero Eby kahit  sadya o hindi iyon sinadya ay kailangan mo pa rin matotong tumayo sa sarili mong mga paa kasi kung may isang punto sa buhay natin na sinusubok tayo ay hindi ka na basta bastang babagsak at mauubusan kasi meron ka na netong sapat na lakas na kayang kaya mong buoin muli kung sakaling malulugmok ng pasakit  at hinanakit sa buhay.



" Even if it's bites me I will still learn how to feed them back " bulong ko sa kawalan bago ko kinabig yung manebela pakaliwa kasi natatanaw ko na yung daan papuntang resort.





Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon