Ricinus No. 61

4 1 0
                                    

.......
___🍂___





Hinihila ko yung luggage trolley bag  habang naunang maglakad si Mr. Montihaic samantalang kasunod namin yung mga bodyguards na pinadala sa amin galing sa MSE Company.




NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Pasay, Metro Manila.





Nakalapag na yung private jet plane na sina sakyan namin papauwi ng pilipinas at hindi ko mapigilang hindi mapamangha sa ganda ng tanawin. Napagusapan kasi namin ni sir Alfonso kahapon na uuwi ng pilipinas at Ang hindi ko alam ay kinaumagahan yung paguwi namin.  Hindi ko pa rin tinanong dun sa bodyguard na nagbantay sa akin sa New York kung ilang araw akong nasa loob ng kwarto na walang cellphone at tanging pang araw-araw na pagkain ang nandun sa akin. Minabuti kong hindi muna alamin kasi wala rin naman yun magagawa basta at ang importante inalagaan ako ng maayos ni Marina.






" Ihja "



Napalingon ako sa kay Mr. Alfonso nang tawagin niya ako kaya binilisan ko yung hakbang ko papunta sakanya.



" Po? "



" You will be staying in my home for meantime. Is it fine with you? "



" Yes sir. No problem with me. "




Pagsangayon ko sakanya at nagpatuloy ulit kaming naglakad papalabas ng airport. Sinundo kami ng dalawang itim na Toyota Hilux at tatlong puting van nissan. Sumakay kami ni sir Alfonso sa Toyota Hilux habang yung mga bodyguards ni sir Alfonso ay sa ibang pang bakanteng sasakyan.




" Welcome in the Philippines Sir. Marunong pa Po ba kayong managalog? "


Natuwa ako sa tanong niya kay sir Alfonso kaya hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina at bumaling Ng tingin sa akin si sir Alfonso.



" What's the funny, Ihja? " Nakangiti niyang tanong sa akin saka ako umiling para sabihin na wala po. Alam kong nagbibiro lang si sir Alfonso kasi marunong rin naman siya managalog kahit pa ilang taon na siyang nanirahan sa New York.




" Oo naman. Hindi ko rin naman kinalimutan. Marami na pala ang nabago, Elias "



" Nakakatuwa talaga kayo Sir. "



Nakatingin ako sa labas at hindi na namalayan yung pinagusapan nila ni sir Alfonso at kuya Elias. May napansin kasi ako napakalaking billboard at nandun si Klay.



The hottest bachelor CEO of Empress Royalty




KLAYDOIEN MARCO MARTIN-LEONG





Ganap na nabigla sa nakita ko lang noong naging CEO siya ng Empress Royalty. Natatandaan ko pang empleyado palang siya sa Empress Royalty at pangarap niya yun. Ang bilis pagtakbo ng panahon parang kailan lang akong umalis.


Napangiti ako sakanya. Nagiba na ang kanyang hitsura mas nakikita ang kanyang mga kalamnan. Mayroon na din siyang kaunting balbas pero Ang mas ikinagulat ko ay yung pagpapalit niya ng kulay itim na buhok.



Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Onde histórias criam vida. Descubra agora