Astilbe No. 38

8 1 0
                                    

.......

___🍂___


" Ohh, andyan ka pala... Wala... Akala ko kasi akin kaya.... " Sagot niya saka ibinigay sa akin yung cellphone ko bago siya bumalik sa pagkakahiga.


" Sino si Marina Yasmin? Kilala mo?... " Tanong niya habang nakatalikod sa akin. Nakakunot noo lang akong nakatingin sakanya. Hawak ko na sa kamay ko yung cellphone ko at binuksan ko ito at yun nga meron ngang mensahe galing kay Marina Yasmin dun.


"Huh!?... Bakit? " Tanong ko pabalik sakanya pero naging tahimik lang siya. Hindi ako gumawa ng kahit anong galaw sa kinatatayuan ko pero nakatingin pa rin ako sakanya.




" Mmmm.... Wala!... Pamilyar lang kasi siya... Marina Yasmin.... " Antok na antok niyang sagot sa akin at kahit hindi ko naintindihan ng kaunti ay umiling ako bago isinilid yung cellphone sa bulsa ko.



" Sige!... Hindi ka pa ba babangon diyan? " Tanong ko bago siya umiling kaya tumalikod  ako at pumunta sa kanang bintana niya bago binuksan yung kurtina. Gustong gusto niya kasi yung naaarawan yung kwarto niya bago na ako tumalikod at tinungo yung pintuan.



" Kuya Klaydoien, iniwanan kong nakahawi yung kanang kurtina mo. Alis na ako. " Ani ko at hindi na inantay yung sagot niya. Isang napakatahimik na silid ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa kwarto ni Doien.



Napaisip ako, ano naman kaya ang naisip ni Marashylle kung bakit atat na atat...


Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Where stories live. Discover now