.......
___🍂___
Hindi na ako magtataka kung sino ang magbibigay sa akin ng tulips eh siya lang naman ang may alam sa paborito kong bulaklak
Eby ... Hope you still like these tulips
-VGinulo ko yung buhok ko matapos kong basahin iyon... Tang***** lalaki na yun iistorbuhin ba naman yung tulog ko para lang sa tulips na gumastos pa siya ng 895 pesos dun sa delivery boy
Inilagay ko nalang yung tulips sa islander saka naglakad papasok ng kwarto upang bumalik sa paghiga pero napahinto ako nang tumunog yung CP ko na nakalagay sa mini table... Haisstttt sino na naman kaya ito
"Oh my si Mama" gulat kong sabi
"Hi Ma!!..."
"Anak!!.. Uwi ka na please" malambing na boses ni Mama kaya alam kong namimiss na niya talaga ako
"Ma... Hindi pa pwede atsaka marami pa akong aasikasuhin sa negosyo ko "
"Nahh .. Eby anak pagpasensyahan mo nalang si Mara nakk ... Ganun Naman siguro kapag may gusto siyang hingin sa iyo tas nahihiya Lang siyang humingi sa iyo kaya idinadaan niya lang sa pangaaway niya sa iyo atsaka napagsabihan na siya ng Tita at Tito mo Eby... Please anak umuwi ka na namimiss na kita atsaka si Ache " kawawa Naman tong Mama ko haiistt Hindi pa talaga pwede eh may aaaikasohin pa ako.
"Uhmm Ma hayaan niyo po uuwi po ako atsaka kayo po ang unang pagsabihan ko "
"Talaga Eby anak"
"Opo ma, oh sige ma Una na po ako "
"Sige Eby anak magiingat Ka ha"
"Opo ma, bye ma "sabi ko atsaka ko pinatay na yung tawag nang may nagdoorbell kaya pinagbuksan ko at ang tumambad sa akin si Venryll
Pagsarhan ko na sana siya ng pintuan pero iniharang niya yung paa sa pintuan
"Ano ba! " Sita ko sakanya nang pwersa niyang hinawakan yung pintuan at walang pasabing pumasok saka iginala yung paningin niya sa kabuuan netong condo unit ko
"So ... Dito ka lang pala kuntento sa ganitong bagay ha... Eby " sabi niya pero nakatalikod lang siya sa akin at nasa bulsa niya yung mga kamay niya
"Alangan namang gugustuhin ko pa ang hindi ko naman kaya" diretso kong sagot sakanya saka lang siya napaharap sa akin
"Have I misheard something, did I?... Eby... Ayoko ng away, okay" sabi niya samantalang diretso lang akong nakatingin sakanyang mga mata
Yung mga mata na palagi kong ninanais na titigan ng paulit ulit
"Pwes, Kung wala na pwede ka ng makakaalis " sabi ko saka ko nilakad ang pinto at binuksan iyon
"Eby..."
"Oh!?... Diba wala na so pwede ka ng makakaalis at huwag ka ng pupunta ulit dito" prankahan kong sinabi iyon sakanya kasi mas mabuti yung malinaw diba
"Can I stay here...?"
Nagulat ako nang bigla akong hindi makarinig kaya hindi ko sinadya na mapaluha
"Bahala Ka...." Basag ang boses ko bago ko tuluyang nilisan yung living room habang may luha pa ang patuloy na tumutulo at iniwanan siya roon
..........................
4Dec2020
![](https://img.wattpad.com/cover/237688092-288-k135770.jpg)
YOU ARE READING
Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)
Mystery / Thriller"It was a lie when I met you, but never thought that this was never ever a lie" EbyBangz The top issue didn't arise if Mara would not do something wrong with Donnie since the first day of their meeting. Donnie would never allow someone ruled her l...