Astrocaryum murumuru No. 34

17 1 0
                                    

.......

___🍂___





Umalis muna ako sa Skyie Pool kung saan dun ginanap yung engagement party ni Veny at Mara kasi kung hindi ako iiwas ay malamang kanina pa nagkagulo. Paanong hindi, eh ang kulit kulit ni Veny habang pilit niyang sinasabi sa akin na baka pwede pa raw at kung nahihiya akong malaman nila yung tungkol sa amin ay handa niyang ipahiya yung sarili niya sa harapan nilang lahat pero hindi ko siya pinayagan sa gusto niyang mangyare.





Pagkapasok ko palang sa aking kwarto sa ikalawang palapag ay agad kong hinila papalabas yung dalawa kong maleta saka ko iniwan sa table yung sulat ko at sinarado ng mabuti yung pintuan ng kwarto ko. Walang nakapansin sa paglabas ko sa La porches na mas mabuti iyon para hindi na ako mahirapan sa pag alis lalong lalo na kay Mama na ang siyang rason kung bakit narating ko yung mga pangarap ko para sa akin pero bakit pakiramdam ko ay kulang pa rin ako, siguro yun na muna ang hahanapin ko




Sinadya kong iparada yung kotse ko sa kanto kanina ng makakuha ako ng pagkakataon umalis sa La porches kaninang umaga at eto na ang pinakahinihintay ko. Hawak hawak ko na yung dalawang maleta at nilakad yung daan kung saan ko pinarada yung kotse ko nang may bumusena sa gilid ko para ako'y mapatingin dun...




Isang black Ford mustang ang bumusena sa akin--- Kay Veny ito ah ... Sabay binabaan ako ng bintana at mula sa loob ay nagsalita si Veny





" Sakay! " Pasigaw niyang sabi sa loob at wala na akong magawa kaya pinasok ko na sa likuran niya yung dalawa kong maleta bago pumanhik sa harapan.







Napaluha ako sa ginawa ni Veny ngayon at nang mapansin niya iyon ay aakmang kuhanin niya sana yung kamay ko pero inilayo ko ito sakanya at nagsalita na







" Hindi mo na dapat to ginawa, Veny. Please lang bumalik ka na dun sa engagement party mo " luhaan kong sabi sakanya pero siya tinignan lang ako hindi makapaniwala





" The heck Eby. Ano bang gusto mong irereact ko!?. Hindi pa ba yun sapat sa iyo ha. Eby naman, malinaw na yung mga ikinikilos ko netong mga nakaraang araw. At kung nagagalit ka dun kanina ay dahil ikaw mismo ang hinintay kong pumunta sa akin para sabihin mo na please itigil mo na ito pero ni isang salita sayo hindi ako nakatanggap kaya naisip ko na ako na. Ako na ang gagawa nun. Eby naman. Hindi mo ba nakita na gusto kong maayos natin yung iniwan mo. "







..............
Announcement:
There will be few updates today as I make up to myself that I will finish this. Thank you so much sa full support dun sa mga silent readers ko althroughout ❣️.

Happy Chinese New Year 🎉🎉🎉

To be continued

Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Onde histórias criam vida. Descubra agora