Azalea No. 50

9 1 0
                                    

.......

___🍂___

Pagkaparada ko palang sa vacant space ay tumigil muna ako sa loob ng mga 10 minuto  yung ikinatagal ko at kahit alam kong kunting oras nalang ay papaalis na yung eroplano na sinasakyan ni Marina Yasmin.


' Eto na yun Eby '


Hindi ko mapigilang bulongan yung sarili ko kasi kating kati na akong malaman kung anong kinalaman ni Pirriedioen. Bakit siya nabanggit ni Marina Yasmin?. Hindi na ako nitext pa ulit ni Marina samantalang hindi ako matahimik rito. Eh! Kung diretsahan ko nalang kaya siyang tanungin pero hindi Eby may nabanggit nga siya na gusto lamang niya akong ilayo sakanya kung ganun may nagawa nga si Pirriedioen.


Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko at pinagpapawisan na ako habang ramdam na ramdam ko yung kabog netong aking dibdib. Agad kong iniabot yung cellphone ko at hindi na ako makatiis na hindi itext si Marina Yasmin.



' Hey!. Nagaya ka ni hindi mo naman sinabi sa akin na kanino ko ito ihahabilin yung Acura ILX!? '_Ezdaina.


Damn!. It will be her fault if I lost this Acura ILX ang ganda ganda pa naman neto maya maya lang ay nagreply siya.



' LOL!. I'm prepared for that. It's not like hindi ko yan naisip noh. Nariyan ka na!?. Saglit lang may ipapadala ako diyan. Friend ko siya at wag ka ng madaming tanong okay. Take care Ezdaina. See you soon. ' _ Marina



Pagbasa ko palang ay nabigla ako ng may kumatok sa'king bintana ni hindi ko pa nga natapos mabasa yung message niya. Ganon lang yung pagkagulat ko nang may isang matangkad, kulay krema yung balat at makapal na kilay. Isinilid ko na yung cellphone ko sa sling bag sa tabi.



' Ito na ba yun!? Ang tangkad niya ' daldal ko pa sa'king isipan at nagdadalawang isip kung buksan ko ba ito o hindi kaya lang nagsalita siya.




' Shit! Besh ang ganda niyang magsalita! '




Anong name niya!?....



Alam mo ba yung nagmamadali na ninyerbyos ka na ewan ko lang kung hindi ka pa magkakamali mali. Nanginginig kamay pa akong buksan yung pintuan netong kotse. Sheesh! Pagkababa ko palang ay medyo na starstruck pa ako.




' Ang cute niya! 'nakakahiya mang sabihin pero ang cute niya kaya binulong ko nalang. Ang tangkad niya tapos ang cute  niya pala pagmalapitan yung kanina kasi na kinakatok niya yung bintana ko ay nakafacemask siya at medyo tinted yung kotse ko kaya hindi ko makita.



" You must be Ezdaina Maridonne? "_ Sabi niya. Bakit ang inosenti ng mukha niya. Atsaka sino ba ito!?.



" Yes I am. "




" Give me the keys! " Sabi niya at sabay lahad sa aking harapan yung kanang kamay niya.




" The hell no!. Sino ka ba!? " Sabi ko nang medyo humakbang siya kaya napaatras ako medyo wala nang maatrasan ay napalunok ako sakanyang harapan. Ang ganda talaga ng hugis ng mukha niya at pouty lips siya ang bilog bilog ng mga mata.




" Akin na yung susi sabi!. Pumanhik ka na sa loob dahil kanina pa siya nagaantay sayo!. Madali naman akong kausap eh ' salita niya saka lang ako nakahinga ng maayos nang umatras siya at humalukipkip siya. Nagtataka ako kung bakit parang galit pa siya.



" Ba't ang dami mong sabi. Madali din naman akong kausap ah. Ang tanong ko sino ka!. Yun lang! " medyo napasinghal akong sagutin siya kasi nadidisappoint ako sakanya. Cute niya sana pero may pagkamasungit pala.



" Hirushima. Now please akin na at nagmamadali pa ako. "



Sinamaan ko lang siya ng tingin bago binuksan ulit yung pintuan at kunin yung bag sa passenger seat. Pagkakuha ko sa sling bag ko ay sinadya ko talagang tamaan yung braso niya.



" Array! Dahan dahan naman!. " Usal niya samantalang hindi ko pa din siya tinigilan samaan ng tingin



" Deserve mo yan!. Andaming sinasabi!. Oh! Ayan ingatan mo yan kundi basag sa'kin yang bilog mo! " Hindi ko na siya inantay na makabawi sa pagkakasapak ng sling bag ko sakanya ng itapon ko sakanya yung susi ko na agad niya itong nasalo kaya lang medyo nagalit ako dun sa ginawa niya ay hindi pa ako nakuntento at sinipa at tinamaan yung binti niya.




" Fucked!. Pangalawa nato! "




Nakangisi lang akong tinalikuran siya at maya maya ay itinaas ko na yung ring finger ko kasi paniguradong lilingunin ako nun.




' Putik!. Mga besh siya pala yung tropa ni Ivana Marie. Cute nga pero masungit naman. Sheesh!. '




" Ang sama mo!. Pshhhhhh! " Usal niya marahil sa sakit na naramdaman niya at tinungo na yung entrance ng airport.


Pagkapasok ko sa loob at palinga linga dahil hinahanap ko yung gate 3 nang may biglang  humawak ng pagkahigpit sa braso ko at marahan na kaladkarin papuntang sa isang sulok. Sisigaw na sana ako nang makita kong si Marina....




..............
Update is on the way.....
Enjoy reading 💕

Terrain Of Yours And I (UNITED SOLAIRE SERIES 2: E)Where stories live. Discover now