CHAPTER 42

5 2 0
                                    

Behind those scene...

Ica POV.

KALAHATING oras na ako naghihintay dito sa pila. Wala pa sa kalahati ng paa ko yung sukat ng pag-usad ng pila. Paniguradong naiinip na si Casy sa library. Kinuha ko yung phone ko sa pocket ng blazer ko. Sabagay, aabutin ako ng isa pang kalahating oras para makarating sa food section.


Nag-ol muna ako saglit sa Twitter account ko. I also sent a dm to Casy na ipaalam sa kaniya na matatagalan ako bago maka-balik sa library dahil nga sa bagal ng usad ng pila dito sa Cafeteria.


After a 5 minutes, suddenly nag-pop sa screen ng phone ko ang pangalan ni Nick. Napangiti ako kahit papaano ay nagparamdam na ito dahil simula noong nangyari ang pag-aaway naming tatlo nila Karl sa bahay nila Casy, ay hindi na ito pa nagparamdam sa amin. Hindi ko narin ito nakakasabay sa pagpasok dito sa UHC. Kahit hindi ko naman tanungin ay alam kong iniiwasan niya kami ni Karl. Hindi ko narin ito kinukulit pa. Alam kong kaunting oras lang ay magiging maayos rin ang lahat.


Balita ko rin ay umuwi ito sa probinsya namin. Siguro ay ganun na lang ang pagkainis at pagkadismaya ni Nick kay Karl. Kahit ako ay hindi ko akalain na masasabi ni Karl ang mga salitang iyon kay Nick. Wala akong kinakampihan dahil alam ko kung paano gawin ni Karl at Nick ang mga makakaya namin para lang mabura o malaman ang lahat ng tungkol kay Ludhiana.



[From Nick: If you have time, let's meet]


Naguguluhan ako at the same time ay kinakabahan. Malakas ang kutob ko na hindi maganda ang pag-uusapan naming dalawa. Sa pag-text palang ni Nick ay halatang seryoso ito. Dahil hindi naman ito ganito kung mag-text.




Naka-english si lola niyo, eh. Aba! Seryoso na nga!


[To Nick: free ako gayon]


Alam kong dapat ko pang balikan si Casy sa library. Pero kasi, mukhang napaka-importante ng sasabihin ni Nick. Nag-send nalang ako ng anoher dm kay Casy na huwag na nito ako hintayin pa.


Yeah, I know I wasted her time waiting for me.


[From Nick: Nasaan ka? Ako na lang ang pupunta sayo. Tutal ako naman ang may kailangan]



Nice.


[To Nick: Alright, i wait for you here. Sa dating table]


After 5 minutes ay nakarating rin sa Cafeteria sa Nick. Ang weird lang dahil kanina pa siya lingon ng lingon sa kung saan. Hanggang sa pag-upo sa table ganun parin ito.

I can't help  to ask him.

"Hoy! Okay ka lang?"

"A-ah? I-i mean, oo naman" Pilit itong ngumiti sa harapan ko.


"So?... Kamusta?" Weird pala yung ganito'ng feeling


"Ito much better. Ikaw?" He asked.

"Same, kahit papaano ay tumigil na sa pagdala ng death threaths si Ludhiana" Dapat pala ay hindi ko agad binuksan ang topic na iyon. Masiyadong maselan. Tumingin ito sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip.


"Sorry" Ngumiti lang ito. Yung ngiting nagsasabing ayos lang.


"Dapat nga ay ako pa ang mag-sorry sa inyo ni Karl. Dahil sa ginawa ko sa inyo. Sor-" I cut his words off.




"Wag kang mag-sorry. Wala kang kasalanan. Atsaka mukhang nagiging okay narin nga ang lahat" I smiled and hold his hand.



"Sana nga..." Halos pabulong nitong sambit.


UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now