CHAPTER 25

32 16 0
                                    

Awakened

Casy POV.

"Uy Lee! Wag mo akong iwan dito!" Pasigaw na sambit ng batang babae sa kalaro nito.



"Hindi naman! Baka pagalitan pa ako ni tito pag-iniwan kita 'no! Kukunin ko lang yung bike ko!" The little boy shouted.



Nagma-maneho ng bike ang dalawang bata sa parke ng kanilang subdivision. Maganda ang panahon ngayon. Palubog na rin ang araw kaya naman mas pinili ng dalawang bata na mag-bike sa ganitong oras.



"Malapit na yung Birthday ko! Dapat gandahan mo naman iyung iregalo mo." The little boy said. Habang sabay nilang dalawa ng batang babae na nililibot ang kabuohan ng parke.



"Sus! Wag mong sabihin sa akin iyan, dahil si mommy ang nagreregalo sayo 'no! Ginagamit niya lang pangalan ko! Kahit tanungin mo pa kay mommy labag sa kalooban ko na regaluhan ang isang tulad mo!" Pasigaw na sambit ng batang babae. Ganiyan talaga mag-usap ang dalawa, simula pa lang ng magkita sila dalawa talagang hindi nagkakasundo ang mga ito.




"Ang sama talaga ng ugali mo sarah!" Huminto pa ang batang lalaki para sabihin ito.




"Uy wag ka nga! Mas masama nga iyang ugali mo!" Huminto rin ang batang babae sa pagba-bike upang kausapin ang batang lalaki.



"Ikaw nga sinunog mo sa likod ng bahay niyo ng patago iyong leather coat ko! Hindi mo ba alam na pinadala pa iyon dito galing U.K atsaka dinisenyo iyon ng isa sa mga sikat na designer sa Hollywood!" Mayabang na sambit ng batang lalaki.



"Galing pala iyon sa U.K? Mukha kasing galing sa yukey-yukey" Pang-aasar pa ng batang babae rito


"Tignan mo! sa sinasabi mo palang iyan halatang ang sama-sama ng ugali mo!" The little boy replied.



"Wow! Nagsalita! Sino kaya ang laging nagdo-drawing ng kung ano-ano sa mukha ko sa tuwing makakatulog ako?! " Nakakunot noong sambit ng batang babae mukhang naririndi na ito sa mga sinasabi ng batang lalaki.



"Ay sorry ah? Sabi kasi ni tita, magdrawing lang daw ako sa papel wag kung saan. Kaya ayan, akala ko kasi papel iyang mukha mo! Mukha kasing kahoy!" Mayabang na sambit ng batang lalaki. Lumapit pa ito sa isang puno ng sakura na nasa gilid ng parke.



"Ah talaga? Sino kaya ang naglalagay ng pedigree sa pagkain ni yaya Linda dati?" Natatawang sambit ng batang babae. Lumapit na rin ito sa batang lalaki upang maki-upo rin sa ilalim ng puno ng sakura.



"Sino kaya ang nakabuhos ng tubig sa mga documents ni tito dati? Tapos alam mo," Humarap pa ang batang lalaki sa batang babae, "iyong babaeng iyon. Alam mo iyong ginawa niya? Kinuha niya yung alagang aso ni tita na si Stiff at si Stiff ang pinagkamalang nagtapon ng tubig sa documents ni tito. Iniisip ko nga minsan talagang ang sama ng babaeng iyon, hindi manlang na-awa sa aso" Mahabang sambit ng batang lalaki.




"Hulluh?! Wag kang maingay! Pagnalaman iyon ni daddy talagang lagot ako" Mahinang sambit ng batang babae.


Tumayo ang batang lalaki sa pagkakaupo nito sa ilalim ng puno.



"Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin malakas ka sa akin ,eh. Kahit ikaw pa ang super duper ultra mega bad girl! Kahit ikaw pa nga ang maging reyna nila ayos lang" The little boy said bago nito guluhin ang buhok ng batang babae. Tumingala naman ang batang babae upang makita nito ang mukha ng batang lalaki at ngumiti ito.



UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now