CHAPTER 5

70 40 2
                                    

Asawa ko

Casy POV.

Isang maliwanag na sinag ng araw ang nasilayan ko sa sliding door ng aking balcony, Siguro'y nakalimutan kung isara ang kurtina nito kagabi. Ang tahimik ng bahay gayundin ang mga kapit bahay.

Late na akong nakatulog kagabi dahil binabagabag ako ng text ni Raiko kagabi, Ang lakas ng tibok ng puso ko ng mabasa ko iyon, Hindi ko alam kung bakit bigla- bigla nalang nag te-text ng ganung bagay si Raiko Ano ba iyon? nanti-trip ba siya?.

I look at my alarm clock, 6:35 am. ,Mukhang mas nauna pa akong magsising keysa sa alarm ko, Napagdesisyunan kung bumaba upang pumunta ng garden, Bumaba ako ng hagdan ang tahimik at ang payapa ng bahay, Walang bacon, and fried-egg na lagi kung naamoy tuwing gi-gising ako ng umaga,Siguro'y hindi pa nagigising sila Mom and Dad at gayun din ang iba pa naming katulong.

Nangmakarating ako sa garden namin ay lumapit ako sa lamesang nakalagay sa gilid ng pool at syempre may dalawang upuan na nakalagay duon , At umupo ako rito.

Maya maya pa lamang ay isang malakas ang busina ang aking narinig sa labas ng gate ng bahay namin, Tumambad sa harapan ko ang isang pamilyar na sasakyan, At lumabas sa loob nito ang matalik kung kaibigan nasi Raiko.

Si Raiko ba talaga ito? kinusot ko ang dalawa kong mata upang makita ng mas mabuti kung si Raiko nga ba talaga iyon, Ngunit pagmulat ko muli ay si Raiko parin ang nakikita ko at sa huling pagkakataon kinurot ko ang pisngi ko kung nanaginip ba ako Ngunit hindi totoo ito.

A- Anong gagawin ko, mukhang kailangan ko siyang pagbuksan ng gate.

Gantong oras ba talaga niya ako sinusundo lagi, Bakit sobrang aga naman ata?.

At nang makarating na ako sa Gate namin ay binuksan ko ito At tumambad sa akin ang mukhang bagong ligo nasi Raiko , Naka Uniform narin ito, Nakatayo lamang itong tuwid.

"Good Morning!" He said na sobra makangiti, Wait ngumingit ba siya o natatawa?, Pero bakit naman siya Matatawa may nakakatawa ba sakin.

"Hey Cass, Hindi moba ako papapasukin sa loob ng bahay niyo.?" He added, Pero ngayon mas nakikita kona ang ngiti nito hindi dahil sa labis na tuwa kundi sa labis na pagkatawa. Pero bakit ba siya natatawa? Haaayst, Bahala nga siya sa buhay niya.

"Pasok" Walang gana kong sagot.

At nang nakapasok na si Raiko sa loob ay muli kong isinara ang Gate, Ngunit ng pagtingin ko sa likod ko ay malayo na sa akin si Raiko, Tignan mo ito feel at home si kuya, Napangiti ako sa sarili kong naisip.

At nang makalapit na ako ay nakita ko mula sa loob ang pagbaba sa hagdan ni Mom at nakangiti rin ito at sa likod nito ay si Dad, sobra ngiti si Mom minsan pa nga ay napapatakip na ito sa bibig niya kapag ngumingiti ito, Ah? Teka? tumatawa ba si Mom?, Tinignan ko si Dad na nakasunod kay Mom natatakpan ang mukha nito, Pero ang kamay nito at ang balikat nito ay parang yumuyugyog, Natatawa rin ba si Dad?.

Ughh What's wrong with this people.

"Good Morning po Tito and Tita Claire" Masayang bati ni Raiko kila Mom and Dad.

"Good Morning din Raiko"Nakangiting sagot ni Mom at binalingan ako ng tingin,

"Oh sweety napaaga ang gising ah?" Natatawang sagot ni Mom.

UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now