CHAPTER 32

16 6 0
                                    

Intramurals






Raiko POV.




It's friday, at nasa PIU ako (Philippines International University) kung saan gaganapin ang Intramural. And yes, Intrams na namin ngayon. At ang first venue ay sa PIU which is dito gaganapin or meet up greet ng iba't-ibang University. Habang ang main event's ay gaganapin sa UHC. Mas malaki kasi ang UHC. Kung tutuusin kesa sa ibang University.






Paglabas na paglabas ko palang sa kotse ko ay iyon din ang paglabas nila Ica, Nick and Casy sa sasakyan ni Nick. Maya-maya pa lamang ay lumabas na rin sa sasakyan nito si Ivan. Papalapit na ako sa gawi ng mga ito. Na agad naman ding naramdaman ni Casy ang presensya ko kaya naman lumingon ito sa gawi ko. Kitang-kita ko kung paano magbago ang naging reaksyon nito.





Parang kanina lang, iyong hindi pa ako lumalapit sa gawi ng mga ito ay masaya itong nakikitawa kila Nick. Na mabilis ding nawala ng nakita nitong papalapit na ako sa gawi ng mga ito.





"Good Morning!" Pagbati ko sa mga ito. Bahagya ko pang inayos ang hindi pantay na salamin na nakasuot sa akin.





Naglalakad na kami ngayon papunta sa open area ng PIU. Pinapanatili kong nahuhuli akong maglakad sa mga ito. Dahil hindi ko maiwasang maramdaman ang awkward feeling between Casy and I. Hindi ko alam pero parang iniiwasan ako nito. Dahil sa tuwing mag-uusap ang mga ito at syempre para hindi ma-o.p sumasabay ako sa topic ng mga ito. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay iyon din namang pagtahimik ni Casy. Syempre bilang kilala ko na ito bilang madaldal na tao ay syempre nakakapanibago.





Kaya naman mas minabuti ko na lamang na magpahuli. Nakaupo na ako sa right side ng malaking open are na ito. Bale, pataas ang pwesto ng mga upuan rito. Kaya naman ang stage ay pinalilibutan talaga ng napakaraming tao, dahil naka pwesto ito sa gitna mismo.






Nagsimula ng magsalita ang mc. Pero hindi ko maitutok ang atensyon ko sa stage. Dahil sabay nitong pag-vibrate ng phone ko. Kaya naman tinignan ko ito. I saw Billie texted me. Napaangat ako ng tingin ng biglang tawagin ni Casy ang pangalan ko. But it was different the way he called my name. It's like theres a hidden coldness behind those voice.





"Ahem! Excuse Raiko" Taas kilay nitong sambit. But instead na tumabi ako upang bigyan ito ng daan. I just stared at her, finding the old Casy I knew.






Can't help but to ask to myself, what happened? Where did he put the old Casy? Why she's become cold one?





I can't help but to build this conclusion inside me, Who made her changed?






"Bro, would you mind? Can you set a side for a second?" Napalingon ako sa gawi ni Ivan ng tumayo ito at tawagin ang atensyon ko. Na nagpabalik sa akin sa reyalidad.





"Sorry," the only word I've said, at tumabi upang makadaan ang mga ito. May hawak-hawak na guitar case si Ivan. Siguro'y kakanta ito. Pero bakit kasama si Casy? Ni minsan hindi ito kumanta sa ganito kadaming tao.






Napalingon ang halos lahat ng mga malalapit sa pwesto ko ng biglang tumunog ang phone ko. And there I saw Billie's calling. Kaya naman nag-excuse ako at nagpaalam sa mga kasama ko upang lumabas.







Pumunta akong backstage upang sagutin ang tawag ni Billie. Dahil puno narin ang entrance at exit. Halos hindi na madaanan sa sobrang daming students na nakatayo na lamang doon, siguro'y naubusan ng upuan. Sa sobrang laki ng open area na ito, ay kulang pa para sa apat na University students.






UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now