CHAPTER 21

31 17 1
                                    

Last night

Casy POV.


Riiinngg!! (A/N: sfx!😂)

Nagising ako sa malakas na pag-alarm ng alarm clock. Pinatay ko ito at dali-dali nag-ayos ng sarili. Wala rin akong Ivan na nakita. Buti naman at naisipan niyang hindi magpakita sa akin dahil baka kung ano na ang ginawa ko sakaniya pag nakita ko siya ngayon kagigising ko lang.

Med'yo nahihilo pa ako ng sumakay ako ng bus papuntang UHC. Buti nalang at hindi ako na-late sa first class ko. Sakto lang ng pagdating ko sa UHC ay siya rin pagtunog ng bell, kaya naman kampante lang akong naglalakad sa hallway paputang BMB. May iba rin akong ka-blockmates na nakakasabay sa paglakad papuntang room.

Umupo ako sa pinaka dulo na upuan dahil Spanish ang first class ko ngayon. Iyon din ang lesson na ayaw na ayaw kong pag-alaran. Kaya naman ito yung pagkakataon na talagang nagtatago ako sa Proffessor Para lang hindi matawag sa recitation.

Pagpasok na pagpasok palang ni Proffesor Moniker ay siya ring pag-umpisa ng class.

"Buenos días" (GoodMorning*) Pagbati ni Proff. At ganun din kami sa kaniya.



..................

"Despido de clase" (Class dissmiss*) Nag-aayos ako ng gamit ko ng nagsitayuan na ang iba ko pang ka-blockmates upang mag break.

"Estás bien?" (Are you okay?*) Kumunot ang nuo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Tinignan ko sa mukha kung sino ito, at tama nga ako, si Ivan.

"Por qué parezco que no estoy bien?" (Why? Do i look like Im not?*) I answered sarcastically. At nagmadaling tumayo.

May sasabihin pa sana ito ng binilisan ko nang maglakad. Sakto rin naman ng nag-vibrate ang phone ko from my blazer.

Kaya naman sinagot ko iyon ng malaman kong si Ica ang tumatawag. Dumiretso ako palabas upang kausapin ito from the phone.

"He-" My words were cut off ng magsalita sa linya si Ica.

"See you at the Cafeteria!" Ica shouted happily, and ended up the call.

Tignan mo naman oh. Tamad talaga itong babaeng ito kahit kailan. Maaari naman niya ito i-text nalang sa akin. Tumawag lang para lang sabihin iyon?.

Gaya nga ng sabi ni Ica dumeretso ako ng Cafeteria after nito akong tawagan.

"Anong meron?" I asked ng madatnan kong punong-puno ng iba't ibang pagkain ang nakahanda sa table namin.

"Advance celebration for my birthday" Ica answered.

Alam ko naman kung kailan ang kaarawan ni Ica. It's just nagtataka lang ako kung bakit napa-aga ang selebrasyon nito. Ang pagkakaalam ko ay September 02 pa ang kaarawan nito. Well sabihin nating two weeks nalang iyon at magaganap na ang kaarawan nito.

"Go! Eat! It's just mini celebration guys!" Pasigaw na sambit ni Ica.

"So bakit may pa-advance ka pa ateng?" I said sarcastically. And take one slice of cake.

"Sa kaarawan ko kasi alam kong hindi kayo mage-enjoy dahil may dad invited all of his friends and surely naandun ang mga parents ninyo." Ica explained.

"Sabagay" Pagsang-ayon ni Nick.

Maya-maya pa lamang ay muntikan ng mailabas ni Ica ang juice nitong iniinom. Napansin ko ding napalaki ang mata nito. Mukhang nakakita ito ng multo sa itsura nito ngayon. Gusto kong matawa sa itsura nito.

UNTITLED (on going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin