CHAPTER 39

8 2 0
                                    

Anderson Siblings





Raiko POV




"Halos umabot na po  sa bilang na 50 ang mga taong Hwanians naabutan ng Yoo Seulgi sa Mok Dynasty, mahal na prinsepe"
Napapasapo ako sa noo ko ng marinig ko ang hindi magandang balita. Tumango na lamang ako. Agad ding nagbigay galang si Leo at umalis.



Sa lahat ng mga tauhan o sundalo ng palasyo si Leo ang pinaka-pinag-kakatiwalaan ko sa lahat. Isa rin siya sa mga taong nakakaalam ng mga kilos at plano ko.



"Prinsepe Raiko, ipinapatawag po kayo ng mahal na Emperor" Magalang na sabi ng isa sa mga pangasiwa ni dad sa palasyo. Hindi ko nakikita ang itsura nito  dahil natatakpan ito ng puting tela. Pero alam Kong boses babae ito.



Agad akong nag-ayos at pumunta sa silid pahingahan ng aking ama.




"Tama na, Norman," Agad akong napatigil sa paglakad. Agad akong tumalikod ng marinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae. Tumatawa ito ng mahina. Biglang nang-init ang ulo ko ng malaman kung sino ito, Ang taga-pag-alaga kay ama. Doktora Blanca....



"Kailangan ko ng umalis, baka dumating na ang prinsepe" Malambing nitong sabi sa aking ama. Na nagpainit pa sa ulo ko ng lalo.


Dahil sa inis. I stamp my Sword on the floor, na naging dahilan ng malakas na ingay. At nag patigil sa kung ano man ang mayroon sa loob ng kwarto ng aking ama.


"P-prinsepe" Kitang-kita ko ang paglaki ng mata nito. Balisa itong lumuhod para magbigay galang at umalis agad.



"Ano na naman yun dad?!" Agad akong lumapit kay ama. Hindi ko maiwasang ilabas ang galit ko sa loob. Nakakalimutan na niya bang buhay pa si Ina?!


"Wala kaming ginagawang mali," Mahina nitong sabi bago Kumuha iyo ng sigarilyo at sinindihan iyon. Sinundan ko ito ng umupo ito sa trono niya.

"Siguraduhin mo lang, dad. Kung ayaw mo pati si mommy ang mawala say-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng isadya nitong basagin ang pasong nasa gilid niya.



"Tumigil ka JackHarry Raiko!!" Tumayo ito at mukhang nag-uusok na ang tenga sa inis.



Maya-maya pa ay mukhang kumalma na ito. Dahil sa naging reaksyon nito mukhang guilty pa ito ngayon. Wala akong magagawa sinasabi ko lang naman ang maaaring mangyari. Pag pinagpatuloy niya pa ang ginagawa niya.



"Pinapunta kita dito dahil, gusto kong ikaw na ang maging kanang kamay ko" Lumingong ito sa gawi ko. Hinihintay at pinapanood ang magiging reaksyon ko.


UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now