CHAPTER 43

4 2 0
                                    

Get out!


Casy POV.

"Iyan okay na'yan bati na tayo, ah" Sabi ni Ica sabay abot sa akin ang isang garapon ng Cookies 'N Cream flavored ice cream. Alam niyo na sigurong na-prank ako dito? Ang masama pa dun kasabwat pala iyong doctora. Kainis.

"Oo na, okay na bati na tayo" Bitter kong sabi. Pero ngumiti lang ito at nagthumbs up.

Sobrang saya niya malamang. Maliban sa nag-wagi siya sa prank niya sakin, dahil hindi na din ang last day or shoud I say last night niya dito sa hospital. Mago-overnight ang buong barkada dito sa kwarto niya. Ewan ko lang yung isa alam niyo na si Raiko... Wala na naman kasi, eh. Kanina lang andito siya. Ewan ko dun.

"Una na'ko balik ako, bye" Sabin i Karl. Sabay kaway sa amin. So, ayon gaya ng sabi ko mago-over night nga kami. Paulit-ulit ako naiwan dito kasi dito naman na talaga ako natutulog magmula ng ma-ospital si Ica. Habang si Airen nagpaalam din na kukuha ng gamit 'diko lang alam kung okay lang kay Ica. Tapos ayon si Karl kakaalis lang kukuha rin ng gamit. Kung hinahanap niyo naman si Nick nauna na siya. Alam niyo na pagovernight yung lola niyo daig pa flash kung kumilos.

Naalala ko tuloy yung nagovernight kami sa room ko nun si Nick rin yung nangunguna.

Haaysstt..

"I'm back! Si Ica na dalawa ang back! Aw-Aray ko Inday!" Sumigaw si Nick habang hinihimas ang braso na hinagisan ni Ica ng unan.

Sabihan ba naman daw ng dalawa ang likod.

"Pasalamat ka at kagagaling mo lang kundi warla abot mo sa'kin 'te" Akmang iba-bato ulit ni Ica ng unan si Nick ng pigilan ko ito at kinuha yun sa kamay niya.

"Mag-aaway pa talaga kayo, eh 'no?" I asked sarcastically.


...

"Pasok" Bulong ko kay Airen nan aka pajama-ng pumunta ng ospital.

"I will sleep on the floor nalang" Ngumiti ito at pinakita ang dalang comforter. Nag nod na lang ako gusto niya 'yan, e'di go!

Sinara ko muna ang pinto. Inayos ko na din ang malaking kurtina na nakaharang sa glass wall. Gusto daw kasi ni Ica Makita yung view sa labas. Kaya kahit nakatulog na siya buksan parin natin.

Bumalik na ako sa higaan ko which is nasa tabi lang ni Ica yung couch na tinulak ni Karl at Nick kanina para ipwesto dun sa tabing kama.

Sobrang tahimik na hindi gaya kanina na halos magsigawan na si Nick at Ica sa harapan ko. Kumain na kami pero nakakaramdam ako ng gutom. Kulang ata yung in-order ni Karl na McDo Drivethru kanina.

Nakita kong nagthumbs up si Airen sa lapag. Tanging kamay niya lang ang nakikita ko. Nagthumbs up din ako wala kasi trip ko lang gaya-gaya ganun. Haha Joke para sabihing Goodnight narin dahil med'yo malayo ang pwesto niya.

Kawawa naman may sakit na nga yung tao pinalabas pa kanina ni Ica ng sinubukan ni Airen Na maki-join sa amin sa overnight. Kasunod niya nga lang din Karl ng dumating. Pero dahil nga galit si Ica sa kaniya pinalabas siya. Naawa ako kaya tinext ko na p'ede siyang matulog dito pag tulog na yung mga taong naandito. Pumayag naman siya. Kaya ayan nakahiga na nga sa lapag. Wala na talaga kasing space.

Tumalikod ako sa gawi ni Ica. Ngayon ay nakatitig na sa labas na view ng glass wall na ito. Daan-daang mga ilaw sa iba't bang building o bahay sa malalayong lugar. Ang ganda, dagdag mopa ang mga nagkikinangang bituwin sa langit.

UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now