CHAPTER 24

30 16 2
                                    

Pain



Casy POV.




"Matagal pa ba sila? Gutom na ako" Pagrereklamo ko.





"Malapit na po señora" Ica answered.




Pano naman kasi, hintayin daw namin sila Karl. Halos kalahating oras na kaming naghihintay dito. Pero wala parin sila.




"Oh! Ayan na si Karl, oh" Napalingon ako sa tinuturo ni Nick. Buti naman at andiyan na sila. Tinititigan ko ito ng mabuti ngunit mag-isa lang ito. Nasaan si Raiko?.







"Hi!" Bati nito at umupo sa bakanteng upuan sa left side ng table.




"Ikaw lang?" I asked.





"Ah, hindi! Si Raiko pa. Hintayin daw natin siya, bale may dinaanan lang" Nakangiting bati nito. I just nodded.





3 minutes, it's been 3 minutes since ng dumating sa table namin si Karl. Pero yung sinasabi niyang hintayin namin which is si Raiko ay wala pa.






"Gutom na gutom na talaga ako~" I whispered. I heard them chuckled because what I've said.




Napatingin kaming lahat kay Karl ng tumayo ito.






"Ayan na si Raiko!" Masayang sambit nito.





"Hay, buti naman"Tinignan ko ang tinuturo nito. Ngunit wala akong nakitang Raiko sa direksiyong tinuturo nito.






"Hay!~ Ano bang problema mo?!" Kunot nuo kong sambit kay Karl.




"Sorry," Tumatawa nitong sambit habang naka-peace sign pa ito.




"Bwiset" I cursed. Naririnig kong tumatawa parin ang mga kasama ko kaya naman tinignan ko ang mga ito ng masama.




"Casy!" Karl called my name. Kaya naman nilingon ko ito.



Tinititigan ko ito at hinihintay ang sasabihin nito. Ngunit mag i-isang minuto na kaming nagtititigan kaya naman, kinuha ko ang nakapatong na notes ko sa RM at aakmang ihahampas kay Karl ng magsalita ito kaya natigilan ako sa gagawin ko.





"Casy!" Pag-uulit nito sa pagtawag sa akin. Kunot noo ko itong tinignan.



"Ano?!" I said, ngunit tinititigan lamang ako nito.







This time hinampas ko na talaga sa mukha ni Karl ang notes ko. Pero syempre hindi malakas, kahit papaano may puso parin ako 'no.





"Aray ko naman" Pagreklamo nito.




"Ano ba kasing problema mo?!" I replied.




"Casy!" Pag-uulit pa nito.




"Yung totoo pinagti-tripan mo ba ako?!" I asked with irritated.




"Easy, ang high-blood mo naman agad" Natatawang sambit nito.




"Naku, fafa Karl gutom na kasi. Pano naman kasi ang tagal ni fafa Raiko" Nick added na pinagsang-ayunan ko.




"Oh! Ayon na sila oh!" Kunot noo kong nilingon si Karl. Tinapakan ko ang paa nito sa sobrang pagkainis.



"A-ah! Mom!" Parang batang sambit nito.




UNTITLED (on going)Where stories live. Discover now