CHAPTER 37

5 2 0
                                    

Ludhiana






Ica POV.

Tahimik lang kami ni Nick na naglalakad papunta sa building namin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o pati rin yung kasama ko.






Simula kaninang pababa namin ni Nick sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Pansin ko lang na bawat students na madadaanan namin ay titingin sa amin. Hindi ko alam bakit. Except sa maganda kaming dalawa alam kong may ibang pinapahiwatig ang mga tingin nila.




Dumaan muna kami ni Nick sa library dahil maaga pa. May oras pa kami para sa pagre-review kahit saglit lang. Ngayon na kasi ang final exam namin. Nagpaalam ako kay Nick at tumayo para kumuha ng libro para sa Hangeul vocabulary. Yun nalang kasi ang hindi ko pa nari-review kagabi.





Habang naghahanap ng libro sa vocabulary books section. Kahit saang sulok ng library na 'to ay kitang-kita ko kung paano ako sundan ng tingin ng mga students.





May mga mukhang nandidiri. May mga halos nagbubulungan na. At meron ding mga mukhang naawa. Napaisip tuloy ako. May kung ano ba sa akin o sa amin para tignan nila ako o kami ni Nick ng ganiyan ngayon.





Nahanap ko na ang librong hinahanap ko. Hahawakan ko palang sana iyon upang kunin ng may nagsagi ng kamay ko upang hablutin iyon.




"E-excuse me. Ako ang nauna sa libro na iyan" Sinusubukan kong kumalma. Nararamdaman kong malapit ng umusok ang tenga ko.




"Sorry, nauna akong kumuha" Nakataas na ang kilay ko ng basta-basta niya na lang ako walk out-an ng ganun-ganun lang. Parang namumukhaan ko pa ang babae. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita.





"Ang yabang kala mo naman kagandahan!" Padabog akong bumalik sa table namin ni Nick.





"Problema mo?" Kunot noo nitong tanong. Mukhang nadistract ata sa pagre-review.





Umiling na lang ako. Kaunting bagay lang iyon alam ko. Kaya hindi ko kailangan pa abalahin si Nick sa pagre-review nito.





As usual Nick is wearing his educational headset. Idolong-idolo niya talaga ang dad ko. Which is ang nag imbento ng headset na iyan. This technology use for education purpose. Like memorizing a words.





30 minutes na kaming nasa library. 30 minutes narin akong naririndi sa mga nagbubulungan. Nakakarindi. Kaya naman inaya ko na si Nick umalis sa library.





Habang naglalakad patuloy parinsa pagre-review si Nick. Habang ako tamang yoko nalang. Ang sakit sa mata yung mga titig nila. Halos matunaw na kami ni Nick. Kung nakakamatay lang ang pagtitig siguro ay patay na kaming dalawa.





"Tsk. Tsk. Dumating na ang mga salot sa liipunan" Halos mapatingin ang lahat ng ka-blockmates ko ng magsalita ang isang babae sa likod. Hindi ko makita ang itsura nito dahil tumalikod ito ng bahagya. Ang nakakapagtaka pa hindi ko alam kung kami ba ang tinutukoy nito. Dahil kami lang naman ni Nick ang bagong students na pumasok sa pintuan ng room na ito.






"Hoy Rose! Halika dito!" Umalis si Rose sa kinauupuan nito ng magtama ang pangin naming dalawa.





"Good morning Bella!" Pinilit kong maging casual sa harapan nito.





"G-good morning Ica" Mukha itong natutuliro ng tumabi ako sa kaniya. Anong problema niya? Magkakatabi naman kaming tatlo nila Rose? Pero ngayon bakit parang umiba ata ang ihip ng hangin.





UNTITLED (on going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum