Ika-limang Pahina

23 1 0
                                    

Mga hakbang na sa paa ko'y sumasabay,
Mga ngiti mong sa aki'y binibigay,
Ikaw ang sa mundo ko'y naghahatid ng kulay,
Sa puso ko'y iba na ang iyong taglay.

_________

"Thank you, good night." He said as he bid his goodbye, waving his hand at me.

Kumaway na din ako tsaka na pumasok sa loob ng building. Muntanga akong nakangiti hanggang makasakay sa elevator at makarating sa loob ng condo namin.

"Mukhang ginagalaw ni Clifford ang baso ah." Puna ni Terra na nanonood sa sala.

"Ginalaw yung drum, beh!" I said giggling.

"Shala! Ganda mo talaga!"

"Well.." I said flipping my hair.

"Hindot!" Tumawa ito ng malakas na ikinatawa ko din. Pumasok na ako sa kuwarto para makapaghilamos na bago ako matulog.

Bahala si Terra na manood mag-isa. Hindi ko alam kung nakabalik na si Mica pero matanda na yun para isipin ko pa.

Hindi naman mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Pigil ang tili kong nagpagulong-gulong sa ibabaw ng kama. Mukhang matutulog akong nakangiti ngayong gabi.

"Do you like what I'm wearing?" Isang babaeng nakabistida ng puti ang umikot sa harapan ng isang binata.

"Ang ganda-ganda mo."

"I am?"

"Yea." Lumapit ang binata sa dalaga tsaka ito bahagyang kinabig sa bewang nito.

"You look so good too. Ang gwapo mo sa gupit mo lalo na sa suot mo." Dinala ng dalaga ang mga braso paikot sa batok ng nobyo.

"Syempre, kaya bagay tayo e." Pinagdikit ng lalaki ang noo nila ng nobya. Kasabay ng melodiya ng musika ay ang pagsayaw nila ng banayad.

Lahat ng tao sa paligid ay napahinto at nakangiting nakatitig lamang ang lahat sa dalawang magkasintahang nagsasayaw.

"If you aren't in my arms any longer, Ana, I don't know what will happen to me."

"Don't worry, that won't happen. My home is in your arms. You're my home. Na palagi kong uuwian maging gaano man kahaba ang araw."

"I love you."

"I love you, Ford." 

And that was the warmest, most heartfelt kiss I've ever seen.

I woke up hugging my own pillow. What was that? Hinawakan ko ang mukha ko at ganon nalang ang pagtataka ko nang may luha roon.

This is the first time that I dreamt about something that made me cry. Maybe dahil sa pagbabasa ko 'to ng mga libro, pati ako nadadala na.

After a few days, nagsimula nang mag-release ng mga grades ang mga prof and also nagsimula na din ang mga iba't-ibang meetings for the upcoming semester pati na din ang pagbibigay ng mga schedule.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon