Ikatlong Pahina

30 1 0
                                    

Pagsulat ng tula ang aking sandata,
Malawakang imahinasyon ang aking dala.
Sa larangang ito, ako ay pinagpala,
Inyong lingkod ho, Binibining Makata.

_________

Nakasimangot kong sinimulan ang paglalakad papuntang building namin. Pangatlong taon ko na ngayon dito sa university, pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakita rito sa campus bukod kanina.

Is this some sort of destiny? Does it truly exist?

How is it that I sense a familiarity with him?

Nakapagtataka lang na nasa Don Elicejo Village palang siya noong isang araw sa Rosales, bigla ay narito naman siya. Like you know, almost two hours din kaya ang biyahe from Rosales hanggang dito sa La Solidad University.

Okay, hingang malalim, Kiana, get over it.

Dumiretso na ako sa seat ko tsaka nalang binuklat ang librong hiniram ko sa library. I'm not feeling up to reading this at the moment, but I'm looking for a distraction.

"Kia, nagawa mo na ba yung sa—"

"Please, 'wag mo nang dagdagan yung inis ko ngayong araw, Gindel, baka may magawa lang akong hindi maganda sa'yo." Diretso pa rin ang tingin ko sa librong binabasa, hindi siya nililingon.

"Wala pa man akong ginagawa, ako na agad ang masama." Bumuntong-hininga siya't may dinampot na inumin sa plastic na nasa harapan nitong paanan at iniabot sa akin. Sandali ko siyang tinitigan.

"Thank you..." Isang ngiti ang unti-unting sumilay sa labi ko't inikutan niya lang ako ng mga mata.

"Ayan.. Diyan ka magaling." Huling sinabi nito bago dumating ang prof na ikinatawa ko. Ako ang reporter dito ngayong araw at s'yempre, dahil walang bobo sa pamilyang 'to, walang magkakamali. Kaya naman lahat ng inaral at na-research ko about sa topic ko ay nai-deliver ko nang maayos sa mga kaklase ko. Kahit yung follow-up question ng prof ay nasagot ko rin.

"Thank you, Ms. Andrada. Keep up the good work." Lumabas na si Sir, pero ito ako't nakangiti pa rin hanggang makaupo. Well, I think I did well.

"Pasikat." Bulong ng katabi kong palibhasa'y puro online games lang ang inaatupag. Sa kasamaang palad kasi, tanging siya lang ang gusto kong nakakausap sa klase. Kakilala kasi ito nina Rave kaya naging magkasundo na rin kami sa paglipas ng panahon. Minsan lang talaga'y nasosobrahan na.

"Inggitero! Try mo rin kasing mag-aral ng mabuti." Nginitian ko siya ng peke at uminom nalang ng tubig, natuyo ang lalamunan ko kasasalita kanina.

"Sabagay, sabi nga roon sa nabasa ko; mag-aral ng mabuti, upang t*ti ay lumaki!"

Halos lumabas lahat ng tubig sa ilong ko dahil sa sinabi niya. Todo ang ubo ko, kaya't nabasa ko yung mga kaklase naming nakaupo sa harapang row namin. Agad akong humingi ng tawad sa kanila. My gosh! Akala ko katapusan ko na. Halos maubusan ako ng hininga!

"Iyang bibig mo nga Gindel!"

"Aba, maganda nga ang pagkaka-rhyme e! Isa kang manunulat, kaya't dapat mong ma-appreciate yun." Ngumisi pa sa'kin ang siraulo. Kung hindi lang dumating ang sunod naming prof ay baka natampal ko na 'tong bastos niyang bibig. 

Nagpagawa agad si Sir ng activity. Magsusulat daw ng tula na tumutukoy o nagbibigay kaugnayan sa nararamdaman namin ngayon.

Itong si Sir talaga, kung ano nalang ang maisip niyang ipagawa ay ipagagawa niya. Mula noong unang pasok nito sa amin, ay hindi pa siya nagdi-discuss. Palagi lang itong nag-iiwan ng mga activities, tsaka na aalis kalaunan.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon