Ika-siyam na Pahina

27 1 0
                                    

Oh kupido ng tadhana,
Ako ay pinaglalaruan mo ba?
Lulan ng isang bisikleta,
Ay isang makisig na binata.

__________

"Teka lang, Ana! San punta mo?" matapos ko itong makita sa pool ay walang pagdadalawang isip na lumangoy ako sa may hagdanan paahon sa pool.

"Aalis na!"

"But why?" Sumimangot ito.

"Di ako nainform na may bulate pala sa pool!" Ikot mata ko dito kahit hindi nito makikita dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Putcha seryoso? Nasaan?!" Taranta itong bumaling sa paligid at animo'y nandidiri.

"Andiyan, malaki!" Sigaw ko pagka-ahon. Sinuot ko ang bathrobe ko at umupo sa ilalim ng kulay puting malaking payong at naupo sa isa sa mga folding beach chair sa tabi ng pool.

"Waaaaaa!!" Sobrang lakas ng sigaw nito at hindi magkandaugaga sa pag-ahon ang loko sa parte kung saan wala pang hagdan.

Iiling-iling ko itong inismiran. Hindi ba nya naisip na siya ang tinutukoy ko?

"Ew, kadiri!" Anito at naupo sa tabi kong canopy beach chair.

"Napaka-arte! Magpupulis ka niyan?" Pang-aasar ko dito.

"Grabehan naman makahusga 'to!"

"E bakit ba kasi bigla ka nalang laging nasulpot?! Kahit saan nalang!" Naiinis talaga ako dito sa mokong na 'to.

"Umalis kuya mo, sasama dapat ako kay Theo pero ang sabi niya babalik din daw siya agad kaya nagpaiwan na ako. Naisipan kong maligo tutal ang init. Nung lulusong na sana ako, bigla akong nasilaw! Hindi sa sikat ng araw kundi sa natatangi mong taglay na kagandahan! Grabe, ang sexy mo!" Agad ko itong hinampas ng tuwalya nang iguhit pa nito gamit ang dalawang hintuturo sa hangin ang hugis ng katawan kong sinasabi niya!

"Ang manyak mo!"

"Pinuri ka na, manyak pa?"

"Argh, you're getting into my nerves!"

"Sus, kinilig ka lang e."

"Oh shut up, Cliff. What happened to you? Para ka ng si kuya!" I rolled my eyes because I didn't expect his teasing.

"I'm just kidding, I can't see you properly under the water dahil wala akong contacts and isa pa, I diverted my eyes up to the sky noong umahon ka na." Ngiti nito at nagpunas gamit ang tuwalayang hinampas ko sakanya. Nasobrahan ata sa pagka feel at home 'tong lalaking 'to. Isa sa mga towels for guests ang gamit, trunks ni kuya ang suot at aba, nag swimming pa!

Sinuot nito ang salaming nasa lamesita sa gitna namin.

"There, I can see you clearly now. Wanna remove your robe? This time I can see--"

"Oh shut up!" He laughed so hard at my reaction kaya napangiti din ako ng wala sa oras.

"You look good in your specs" I said.

"Perks of being handsome."

"Ang yabang!" Tawa ko dito.

Pahina ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now