Ika-labing walong Pahina

3 1 0
                                    

Mga araw ay hindi na tulad ng dati,
Ngayo'y tila ba sobrang hirap na ultimo ang ngumiti.
Madalas tulala at mapapaisip na kailan kaya muli.
Kailan kaya muling mahahagkan ang iyong mga labi?

__________

"What the fuck, Rave! Pinipicturan ko pa, parang tanga ka naman e!" Pagmamaktol ni Mica nang guluhin ni Rave gamit ang kutsara niya ang inorder na pagkain ni Mica.

Wala na iyong kaayos-ayos ngayon.

"Puro ka kasi ganyan!"

"Ano naman kung puro ako ganito?! May epekto ba yun sa'yo, ha?! Kung sanang ikaw ang nagbabayad! Argh! Pang-story ko na sana 'yon e! Halika ngaaaa!!" Iritadong hinablot ni Mica yung buhok ni Rave para sabunutan.

"Araaaay!!" And another world war began.

Huminga ako ng malalim at umiling. Nasa restaurant pa kami niyan sa lagay na 'to as of the very moment ha. Wala talagang pinipiling lugar 'tong dalawang 'to. Ni hindi pa nga kami nagsisimulang kumain e.

"Gosh, nakakahiya talaga kayong kasama!" Sabi ni Terra na umusog pa lalo palapit sa akin.

"Ang sarap niyong itanggi na hindi namin kayo kakilala, sa totoo lang." Ganoon din ang naging rekasyon ni Xyril kay Terra kanina na lumipat na ngayon ng upuan sa bandang gawi ko. Parang kanina lang ay doon pa ito nakaupo sa tabi ni Rave.

Umiling ako at nagsimula nalang kumain. Hindi ko alam kung anong gamot, herbal o lason ba ang pwede kong ipainom sa kanila para sana magkaroon man lang sila ng kahit katiting lang na kahihiyan. If you have suggestions, kindly tell me. 

Huling araw kasi ng bakasyon ngayon so might as well enjoy-in daw namin ang araw na 'to kaya naman nagka-ayaan silang lumabas kami today.

"Am I late?" Sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita.

"No, we only just started eating." I said and smiled.

"Take a seat." Offer ni Terra. Doon ito umupo sa kabilang side kung saan nandon sina Mica at Rave na sa wakas ay timigil na. Ang ending, inagaw ni Mica yung pagkain na para dapat kay Rave at ipinalit ang wala ng kaayos-ayos niyang pasta. Pinagigitnaan naman ako nina Terra at Xy dito sa kabilang side.

May lumapit kay Eli para kuhanin ang orders niya.

"Just a drink? Hindi ka kakain?" I asked pagkaalis ng waiter.

"No, I'm still stuffed. Nagluto kasi si mama sa bahay. Hindi ko naman mahindian kaya kumain na ako." I nod and continue to eat habang nagsimula naman ng magkuwentuhan sina Xy at Elixo.

Gindel couldn't make it dahil nasa bakasyon pa ito. I think, pauwi palang siya mamayang hapon. Okay lang naman sa akin dahil bawas sa ingay at sakit sa ulo. 

Clifford has already been gone for nine months. Currently, we are in our senior year of college. We are only proceeding with our lives because that is what Clifford wants us to do. To just continue living our lives the way we planned and wanted it to be. Kung may isang bagay man ako na hindi magawa sa lahat ng request ni Cliff, iyon ay ang mag move-on at kalimutan nalang siya. That won't ever happen. Never.

At first, I was okay. Sinubukan ko siyang habulin that day after I read his letter. I did everything I can para puntahan siya. Sa nanlalambot kong mga tuhod at nagdadalawang-paningin dahil sa matinding sakit ng ulo ay binaybay ko ang room ko papuntang room niya.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon