Ika-labing limang Pahina

17 1 0
                                    

Mga mapupungay mong mata,
Mga labi mong ka'y pula,
Ito'y panaginip nga lang ba?
Kung oo, ayaw ko ng magising pa.

__________

Suot ang unipormeng hindi ko pa nahuhubad, hindi na ako nag-abala pang magsapatos. Naka-medyas na sinuot ko ang unang tsinelas na nakita ko sa tapat ng pinto.

Walang laman ang isip ko bukod sa makarating kay Clifford sa lalong madaling panahon. 

Kahit hindi ako allowed tumakbo ng malayo ay ginawa ko. Walang hinto kong binaybay ang escaped room hanggang parking lot ng school. Hindi ko maramdaman yung pagod. Tanging bilis lang ng kabog ng dibdib ko ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ilang beses pa akong natalisod, sandaling nadapa at nahubaran ng tsinelas pero hindi ako tumigil.

Hindi ako lumalabas ng walang payong kapag tirik ang araw pero ngayon ko lang hindi inalintana ang init na dulot nito sa balat ko.

Alam kong nakasunod lang silang lahat sa akin na tulad ko'y aligaga rin. Dumiretso ako agad sa isa sa mga sasakyan nilang nakaparada.

"Kia, dito!" Sigaw ni Xyril na papunta sa kotseng pula.

"Susi?" I asked him.

"No, ako na ang magmamaneho."

"But--"

"Kia, let him. Sa ganitong sitwasyon, he is the most capable driver." Sabi ni Rave na pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na sa driver's seat si Xy at madali naman akong umupo sa passenger seat. Sa back seat naman sumakay si Rave kasama sina Gindel, Mica at Terra. Hindi ko alam kung paanong pag-upo ang ginawa nila dahil nagkasya ang mga ito roon. 

Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay maiihi nalang ako bigla ng wala sa oras. Hindi mapagsidlan ang kaba ko at para akong balisa. Pinagpawisan pa lalo ang mga palad ko.

"Who are you texting, Gin? Is there any news about Clifford? Te, saan niyo nabalitaan ang nangyari? What really happened? Was it an accident?"

Walang sumagot ni isa sa kanila.

"Don't think too much, Kia. It's not good for you." Si Mica ang nagsabi bago ako bahagyang hinaplos sa braso.

Magtatanong pa sana akong muli pero hindi ko nalang tinuloy dahil hindi rin naman nila ako sasagutin. Alam kong nag-aalala lang din sila sa akin pero I just can't calm! Inabot ni Gindel yung sapatos ko sa akin. Hindi ko alam na binitbit pala niya iyon. Wala na kasi ang isang pares ng tsinelas na suot ko dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina na hindi ko nga alam kung sinong may-ari sakanila.

"Saang hospital daw?" Tanong ni Xyril na matuling nagmamaneho pero naroon pa rin ang pag-iingat.

"Sa Angel's Care Doctors Hospital daw." Sagot ni Mica. Kahit hindi ko alam kung saan yun ay hindi nalang ako nagtanong.

Nang marating namin ang hospital ay ni hindi ko na alam kung naisara ko pa ba yung pinto ng kotse o hindi. Basta ang alam ko lang, tumakbo na agad ako papasok para hanapin ang information desk.

"Clifford Perez. What room is he in?" Hindi ko mahabol ang sariling hininga ko habang tinatanong iyon sa nurse na nagbabantay sa tapat ng mga computers. 

Sandali nitong chineck ang monitor ng computer.

"Room 23 po, second floor, right--"

"Thank you."

Mabilis na inakyat ko yung hagdan sa dulo ng hallway. Pag akyat, kumanan ako agad para silipin ang bawat pintuan.

"19, 20, 21, 22, there! 23." Walang katok-katok na pumasok ako sa loob ng kuwarto.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon