Ika-labing dalawang Pahina

36 1 0
                                    

Isipan ay sobrang naguguluhan,
Puso ko'y hindi ko na maintindihan.
Mga mata niya'y pagmasdan,
Bakas doon ang matinding kalungkutan.

__________

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa ni Cliff pagkarating namin sa mall. Inikot na agad namin ang mga maaring pwedeng store na akma sa kailangan namin sa fair, hawak-hawak ang listahan na pinaghati-hati ko sa tatlo kanina.

At eto kami, nagka-canvas palang niyan kami ha pero puro na kami away nitong kasama ko.

"Ito nalang kasi." Pilit nito sa akin.

"Mahal nga! Maraming mas mura diyan!" Pilit ko din dito. Yun pang pinaka-branded na pintura ang tinuturo niya. Jusko, anong gagawin namin doon kung pwede naman yung mas affordable?! Kaya halos tuktukan ko na siya kanina pa e.

"Maganda nga kasi 'to e." Pilit niya sa akin ng sumisimangot pa.

"Anong kinaganda niyan? Kapareho lang naman ng iba, tatak lang ang pinagkaiba!"

"Sabi mo quality ang tignan." Ngumuso ito.

"Bibingo ka na talaga sa akin, Perez! Ibubuhos lang naman sa damit 'yan!

"Don't shout!" May diin pero mahina nitong sabi sa akin.

"Ikaw kasi! Alam mo, hindi na nga masakit ulo mo, paglabas naman natin dito, ulo ko na ang sasakit ng dahil sayo!" Tinaas nito ang dalawang kamay niya ng hindi kataasan na parang kriminal na sumusuko na sa mga pulis.

"Fine, tatahimik na po." Yung itsura niya ay parang hindi na gustong kumontra pa. Tipong tinanggap nalang niya na hindi niya mababali ang pinaglalaban ko.

Nilagpasan ko lang siya, bahala siya diyan. Tsaka nalang ako nag-take ng note ng napili kong presyo ng pinturang gagamitin. Nakasunod lang sa akin si Clifford hanggang sa makalabas kami at naghanap muli ng panibagong store. 

"Isa!" Bilang ko kay Cliff nang akbayan ako nito habang nagtitingin-tingin ako sa paligid ng mga kakailanganin.

"Kahit 1 minute lang." Sabi nito nang hindi inaalis ang kamay sa balikat ko.

"Dalawa!"

"30 seconds nalang."

"Pag umabot sa tatlo ang bilang ko, iiwan kita--"

"Okay, okay hindi na." Tumatawa ito. Tuwang-tuwa pa talaga siya na sagad-sagad na yung pagka-irita ko sakanya today. Nag-stay nalang ito sa gilid ko habang nakikitingin din sa mga pinupuntahan ko na store na puwedeng pag-canvas-an ng mga canopy tents para sa mga stall per booth ng mga department sa bazaar.

Kailangan namin dito ay yung matibay na tatagal for five days wether umulan man o umaraw.

Dito, nagkasundo kami ni Clifford. Thank you, Lord, for the first time today, may pinagkasunduan kami.

Meron namang mga canopy tents sa school but, because they are frequently used at events, it is not a good idea to use them at the fair for fear of further damage. Lalo na five days ang bazaar. Masyadong matagal. Isa pa, super crowded panigurado ang mga araw na 'yon. Baka kapag madami na ang bumibili ay tumumba nalang basta yung tent. Sana, ma-approved ito. Maganda din kasing tignan if isang color lang lahat ng canopy tents.

"Open ba ang fair for all? I mean, hindi lang para sa school natin?" I asked Clifford.

"Before, no, but last year, they already opened it for all. It was kind of beneficial for our school since those funds from last year were really huge, so I think they'll still open it this year." I nod at him. Hindi ko kasi maalala yung fair last year dahil nga sa nangyari.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon