Ika-labing apat na Pahina

24 1 0
                                    

Maging ano pa man ang dahilan,
Kung bakit ganito ang aking nararamdaman,
Basta hindi ko din maintindihan,
Ang alam ko lang, 'wag ka na sanang sa piling ko'y lumisan.

__________

"Cliff, pahiram ng gunting!" Agad akong lumayo kay Cliff nang sumulpot bigla si Rave sa tabi ko.

"Here." May diin na sabi ni Clifford.

Pinaglipat-lipat muna ni Rave ang tingin niya sa aming dalawa ni Cliff bago ito tila ba may na-realize na kung ano.

"Oh, shoot! Don't tell me, I disturbed something again?"

"Yes, you dumbass. For the second time. Baka nga hindi na kita mapatawad kung mauulit pa 'to sa pangatlong beses." Mas madiin at may kahinaang banta ni Clifford.

"Hehe." Tanging nasabi ni Rave atsaka pilit na ngumiti.

Iiling-iling na iniwan ko silang dalawa tsaka nalang pinuntahan si Xyril sa corridor na inaayos yung lulutuan sa labas.

I don't know, but Xyril is so good at this kind of stuff. Hindi ko alam if saan niya nakuha yung mga pahabang lamesa na pinag patungan niya ng stove, ng dish rack at iba pa. Meron din itong na-provide na dining table. Siguro may nakausap siya about sa mga hiniram na gamit. School properties kasi ang mga ito ayon sa sticker na nakadikit sa mga lamesa't upuan.

Hindi kami mamomroblema sa cr dahil meron naman sa tabi ng hagdan na katabi mismo ng room at magkahiwalay pa ang para sa babae at para sa lalaki. Sa tapat naman ng building ay may lababo na may tatlong gripo. Paniguradong doon kami maghuhugas ng mga pinggan.

Lumabas na din sina Rave at Clifford habang naiwan naman sina Terra at Mica doon sa loob, nag-aayos ng beddings.

Ginulo agad ni Rave ang nananahimik na si Gindel doon na nag-iigib. Si Xyril panigurado ang nag-utos non para sa gagamiting tubig pag magluluto. Isang may kataasang drum ang pinupuno ni Gin kanina pa. May poso kasi doon sa tabi ng lababo, yun ang ginagamit ni Gindel pang-igib. Sure ako, mga mamayang gabi pa siya matatapos.

"Lintek na yan, 'wag kang magulo! Nababasa na ako!"

"E, pasubok nga kasi! Hindi ko pa 'to nasusubukan buong buhay ko!"

"Ikaw pag-iigibin ko dito, tignan mo!"

"Tutulungan na nga kita e!"

"Argh! Kiaaaa!! Si Gindel o! Pag ito hindi umalis, hahampasin ko to ng hawakan ng poso!"

Leche naman kasi! Ako na naman?! Kia na naman!

"Pag hindi kayo tumigil na dalawa, lilipad itong kawali dito, sinasabi ko na!"

"Oh, ano? gusto mong mabato?!" Sita ni Gindel kay Rave na hirap na hirap ngayon sa pagbomba ng poso.

"Oo na, salitan nalang tayo!" Umalis ito doon at pinanuod muna si Gindel.

"Oh, 'wag mo ako masyadong titigan, nandidiri ako sayo!" Kala mo batang inaaway itong si Gindel. At yung isa naman, mas bata ang isip. Argh! Sakit talaga nila sa ulo, myghad.

"Wag kang feelingero, gago! Anong tititigan ko sayo?!"

"Mga muscles ko. Alam ko namang malalaki 'tong mga 'to, kaya pag inggit, pikit!" Asar ni Gindel na ikinapikon nung isa.

"Talaga lang ha? Inggit-inggit ka pang nalalaman! Halika, at nang habang buhay ka ng pipikit!!"

Ano pa bang ending? Edi ayun, basang-basa sila dahil nagsabuyan na sila ng tubig. Ofcourse, lumipad ang kawali.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon