Ika-labing tatlong Pahina

16 1 0
                                    

Mga mata mong kay gandang titigan,
Mga ngiti mong kay sarap pagmasdan.
Sinta, 'wag mo sana akong kamuhian,
Kung bigla nalang na ikaw ay aking hagkan.

___________

"Kia, Cliff! Si Xy?" Agad na lumayo si Clifford sa harapan ko at hinarap si Rave na lumabas mula sa room.

"Restroom." Tanging sagot ni Cliff.

"Bakit ganyan ang itsura niyong dalawa? Para kayong nakakita ng maligno." Naipuna nito.

Umayos naman agad ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa railings at pilit na ngumiti. Si Cliff ay umarte na akala mo e walang nangyari dahil yung kaninang awra nito ay nakangisi na ngayon.

"Wala naman, istorbo ka kasi." Dahil sa sinabing ito ni Cliff ay for sure, maling idea ang naiisip ngayon ni Rave.

"Oh, sorry for disturbing you." Humagikgik pa ito. Napailing nalang ako. I guess this is not the right time yet.

Nagsilabasan naman na yung iba na nasa loob kanina matapos dumating ni Xy. Inabot sa akin ni Terra yung bag ko na iniwan ko kanina sa loob ng room.

Hindi na namin ni-lock yung room dahil wala namang mawawala sa loob. Wala din naman kasi sa amin yung susi. Hinila lang namin yung pinto katulad ng kung paano namin ito nadatnan kanina. I think I need to get the key at the end of this week 'cause if our things were inside already, it's not safe anymore if we leave it unlocked.

Nawala yung pagka-off ng awra sa pagitan namin ni Cliff nang magkakasama na kaming lahat na naglalakad palabas ng building. Nawala na din sa isip ko yung gusto kong sabihin kanina. Nagkayayaan pa kami na magtusok-tusok sa may labas ng gate bago umuwi.

For the whole week, patuloy lang kaming nag-asikaso ng mga dapat ng maasikaso at agad din namin yung kinukunsulta sa SSG officers para mabigyan kami ng second opinion. Isinantabi na muna namin yung pag-canvas dahil madami pang madadagdag na gamit na kailangang bilhin as the days goes by. Mas okay yung hindi na balik-balik. Maybe next week, okay na yung budget proposal.

Saturday came and here I am, waking Terra and Mica up.

"Myghad, it's 8am already! Wake-up, sleepyhead!!" Niyugyog ko pa si Terra.

"You are so noisy, it's Saturday for heaven sake, Kia. Let me rest!" Pagpupumilit nito.

"But we need to get packed! Ngayon tayo maglilipat sa dance room diba? Remember?"

Agad itong bumalikwas ng bangon nang marealize ang sinabi ko. Akala siguro nito ay normal na sabado lang ngayon. Buti ay bumangon na ito kundi muntik na akong kumuha ng tubig para lang isaboy sa mukha niya ng matauhan! We still have a long day to go. Packing things, grocery shopping and so on.

Mica, on the other hand, is also awake already. She's now in the kitchen.

"What do you, girls want for breakfast?" She asked.

"Pancakes for me." I said as I was dragging my baggage in the living room.

"Me too! With strawberry syrup, please." Terra shouted inside the comfort room.

"Noted!" Mica answered.

Kinuha ko na sa kama ko yung mga nakatupi kong damit na niready ko na kagabi pa. Ilang pantulog, pang araw-araw, ilang pants and tops na pang-alis and uniforms. Magdadala nalang ako ng ironing steamer kesa yung malaking plantsa namin dito ang bitbitin ko don. I rolled them one by one para sa mas maayos na spacing ng mga damit ko so that, isang malaking maleta lang ang dala ko. Sana magkasya.

Kumuha ako ng tatlong pouch sa cabinet ko. I used the first one for my toiletries, the other one for my make-up and the bigger one for my underwear, brassiere, tubes and cycling.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon