Ikalawang Pahina

45 3 0
                                    

Nang ika'y aking masilayan,
Puso'y may biglang naramdaman.
Hindi maipaliwanag na kaligayahan,
Mukha mo'y 'di na maalis sa isipan.

__________

"D-did he just help me out of nowhere, Terra?"

"Yea.. T-that guy.. Don't you think he looks like..?" May kung anong binubulong ito sa sarili niya habang ang mga mata niya'y tulalang sinusundan lang ang bulto ng lalaking papalabas na ng bookstore.

"Terra? Hey.. Hello?" Pagwa-wagayway ko ng kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Y-yes? Ahm, ah-- e kasi.. a-ang gandang lalaki e! What if itulak mo rin ako? Malay mo may susunod pang guwapo!" Pang i-ilusyanada nito. Napapa-iling nalang talaga ako sa kaibigan kong 'to.

Hinayaan ko ang sarili kong tumingin nalang muli sa mga libro, habang itong si Terra nama'y palinga-linga pa rin sa paligid para tignan kung may susunod pa raw na guwapo. Terra will always be Terra.

Sandali akong napaisip. Sinasadya ba ni Kupido na pagtagpuin kaming dalawa ng tatlong beses sa isang araw lang? Bakit--

"Ate, let's go to the arcade!" Bigla nalang sumulpot si Natalia sa tabi ko, kasama si Xyril. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sila sa akin.

"Oh, alright, baby, let's go!" Pagbabalik ko ng naturang sigla ko. Tuwing si Natalia na kasi ang kausap ko, I always tried my best to keep up with her energy. Kapag bata pa naman, punong-puno sila ng sigla.

Bago lumabas, dumaan muna ako sa counter para isabay ang mga libro na napili ko sa pagbabayad ni Terra. That's for Lola Beth, she loves books.

"I'll pay you later, babe. Hinihila na ako ni Natalia sa Arcade."

"Okay, susunod nalang ako."

"Sina Mica at Rave, nasaan?" I asked Xyril while walking out of the bookstore. Natalia is on my left, holding my hand, while he is on my right.

"Nasa arcade na ata." Kibit-balikat nito.

Nang makarating sa arcade ay agad ko nga silang nakita na parang mga batang nag-aagawan sa bola ng basketball. Hindi naman na pumasok sa Toys & fun house si Xy dahil maingay daw at sinabing hihintayin nalang si Terra sa labas.

"Dito tayo, Ate!" Hinila na ako ni Natalia sa mga larong pambata habang nakiki-join siya sa iba pang mga kids.

Naghanap ako ng mauupuan hindi kalayuan kay Natalia at dumiretso roon, pinapanood ang makulit na si Bunso kasama ng iba pang mga bata sa paglalaro.

"Yey!" She yelled happily while playing. Dumating na din naman agad si Terra after ilang minutes.

"Here's your books." Terra handed it to me while taking a seat beside me.

"How much?"

"889, but pay me 1000. Mahaba ang pila." She smiled wickedly. I rolled my eyes at her, then handed over a thousand pesos.

She took her wallet and placed the amount I paid inside. She closed her wallet again and tucked it into her bag.

"What?" I asked, dahil habang ginagawa niya iyon ay hindi man lang nito inalis sa akin ang mga tingin niyang tila may bahid ng kakaibang kahulugan.

"Do you know him?" She asked.

"The who?" Mabilis na pagbabalik ko ng tanong bago tumingin sa paligid para hanapin ang sinasabi niya.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon