Ika-walong Pahina

33 1 0
                                    

At sa paglipas ng bawat araw, minuto at segundo,
Unti-unti na akong nasasanay sa presensya mo.
Dahil sa mga nakakatawa mong banat at biro,
Naging dahilan ka na ng bawat pagngiti ko.

__________

"Kiana, pinapatawag ka ni Ms. Ibarra sa faculty room. Hindi sinabi kung bakit." Kauupo ko palang matapos naming mag-usap ni Mr. Arnold sa gusto nitong ipagawang reflection sa'kin ay ito at mukhang may bago na naman ako kailangang gampanan. Sigurado nga akong hindi pa nakakalayo niyan si Mr. Arnold dahil kaaalis lang talaga nito matapos niya akong kausapin after class kanina.

"Kiaaa, hey! Did you hear me?" Muling sigaw ng president.

"I did, oo na pupunta na!" Pasimple akong bumuntong-hininga.

"Masyado ka kasing paborito ng mga teachers e. Basta pag naging Summa Cum Laude ka ha, 'wag mo akong kalilimutan." Pang-aasar nitong si Gin.

Oh Lord, tatlong araw palang po mula noong absent ako ng almost one week e hindi na po agad ako magkanda-ugaga sa dami ng mga gagawin? Gumawa ng sanaysay, mag-oral essay reporting, gumawa ng script para sa radio drama at kung ano-ano pa. Dumadagdag pa man din po sa sakit ng ulo ko itong katabi ko, Lord. Wala man lang naiambag na maayos sa buhay ko, hays.

"Ayaw niyo bang kunin na itong katabi ko, Lord? Wala naman po siyang papel sa mundo. Kunin niyo nalang ho." Mahina kong bulong habang nakayuko. Agad akong binatukan ni Gindel.

"Maghunos dili ka nga! Paborito ka pa man din ni Lord. Baka magkatotoo! Isa pa, wala pa akong experience kaya ayaw ko pang magpakuha! Ayokong mamatay ng virgin no!"

"Alam mo napakabastos talaga ng bibig mo. Hindi na talaga ako magtataka kung bigla ka nalang kunin." Dinampot ko ang bottled water ko bago ito nilampasan pero ang siraulo e pinatid na naman ako.

"Argh! Kelan ba magpapalit ng seating arrangement, Pres? Alphabetically sana." Punong-puno ng pagkasarkastiko ang boses ko na nakaharap sa may puwesto ng presidente.

"Di na, ganyan na!" Sigaw nito.

"You are stock with me, baby." Sabi nitong may ari ng paang pumatid sa akin.

"Kadiri ka kamo." Humahalakhak siya nang talikuran ko ito. Habang naglalakad naman ay iniisip ko na kung anong ipapagawa sa akin ni Ms. Ibarra. Ano kayang magandang idahilan kung sakali? Masakit pa paa ko? Pero nakita na ako nitong nag P.E. kahapon e. Paos ako? Wait, pa'no ba?--

"Kia!"

"Ay, kabayo!"

"Grabe ha, kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang kabayo?"

"Mica, what are you doing here? Bakit wala ka sa building niyo? Sinong pinupuntahan mo dito? Imposibleng ako dahil doon ang room ko, tama? Tell me. nagka-cut ka ba?" Nag-hysterical na ako dahil hindi ito napapadpad dito, I swear.

"The hell, Kiana! Inutusan lang ako nung prof namin sa arts room no! Napaka-judgmental mo talaga! Tsaka totoong dadaanan kaya kita. Here, Iced choco." She rolled her eyes.

"Yay, thanks." I smiled, sipping. Nagpatuloy lang kami sa paglakad habang nagdadaldalan hanggang sa marating namin ang faculty. Binalik ko sakanya yung iced chocolate dahil bawal sa loob iyon.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon