PROLOGO

108 6 4
                                    

Sisimulan ang kuwentong sa inyo'y nakalaan,
Sa unang pahina ng libro ng pag-iibigan.
Mga alaalang sabay nating bubuuin,
Mga pangarap na ikaw ang tanging mithiin.

Ang biyahe ng buhay ay hindi madali.

Dala ang mga nag-uumapaw na saya,
Bitbit ang pagsubok na sa ati'y nakadikit,
Humawak ka, sakin lang, 'wag sa iba.
Higpitan ang pagkakahawak tayo na't lalarga.

Sa kuwento ng pag-iibigan, tampok ang isang masaya at masiglang paglalakbay.

Sa bawat mga posteng pinalampas,
Mga dagat at along hampas,
Kasabay ng mga paang nag-iwan ng bakas,
Nagsusumamong bigyan ng magandang wakas.

Buklatin na ang libro sa unang pahina nito.

Kung saan nakatakda na ang destinasyon sa nakalaang relasyon.

-ablyyy-

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon