Chapter 30

33.8K 904 916
                                    

Chapter 30

Mistaken

My head hurts even more because of Dimples. I don't know what would be her move about it, but one thing is for sure, I am worried as fuck.

My father's not contacting us! We don't know when he will come back or will he even come back or not anymore. Sa tuwing dumadapo sa aking isipan ang tungkol sa aking ama, parang nilulusaw ang puso ko.

"I'll be out just for hours for the game. Kapag katapos ay rito na ka agad ang diretso ko..."

Tumango ako kay Zoren habang inaayos niya ang mga dadalhin niya para sa championship mamaya. Dito siya natutulog kaya kasama ko ka agad ngayong umaga.

"I'll leave someone to guard you. Kakamustahin ka niya rito."

Tumango ako at bumuntong hininga. He just wants me safe, I told myself.

"Contact me if you need something or if something is wrong..." he said, and I nodded again.

Naka ngiti lang ako habang nagsasalita siya. He's actually cute when worried. Iyong ganito lang, sakto lang. Kalmado pero alam mong may kaunting galit sa kanyang tono. Ayaw niya na kasing maglaro.

"Thank you for everything..." I said sweetly and spread my arms. "I want a hug, Zoren," I said when he creased his eyebrows.

He was serious when he moved closer to me. Sinakop ko siya gamit ang aking mga kamay. His usual scent dominated my sense of smell. Nakangiti ako habang nakayakap sa kanya. He hugged me back.

"Please, be safe always. Be careful always..." he stated.

I nodded. "Yes. I am sorry for making you worried and for taking care of me."

This moment is making my heart aches. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nasasaktan. I smiled even if I was already hurting inside.

"I love you so much, Zoren," I whispered, and I don't think he heard it.

I closed my eyes when I felt his lips touch the side of my forehead. I faltered myself from crying. Bakit ako naiiyak? Bakit ba ang sakit sakit? I am supposed to feel happy, right? Masaya naman ako, pero bakit may kasamang lungkot?

I smiled one last time before he finally closed the door between us. Maglalaro na kasi sila mamaya kaya kailangan nandoon na siya.

Pagkasarang pagkasara ng pinto, bumuhos na ang mga luha ko.

Kesian, naman! Nakakahiya ka na. Iyak ka na lang nang iyak. Ikaw pa ba iyan? You're not the Kesian I know. Iyong Kesian na kilala ko, matatag, malakas at hindi nagpapa-apekto. Ano ito? Bakit ka nagkakaganito?

I calmed myself and tried to make myself happy. Ang hirap palang magpanggap na masaya ka, kahit ang totoo naman, sa loob mo ay basag na basag ka na.

Tang ina naman kasi ng buhay. Life always preys innocent people. And that's fucking unfair.

Naghanda na ako dahil sa pagdating ni Dimples maya-maya lang. Someone checked upon me; it was Zoren's cousin from his mother's side. A doctor of this Hospital.

"Ang kulit ng batang iyon. Ang sabi ko, bibistahin naman talaga kita, pero pa ulit-ulit akong kinukulit na oras oras ay kamustahin ka..."

I chuckled. "Ayos lang naman po ako," sabi ko sa doktora. "May kaibigan din po akong bibisita mamaya..."

Mas magandang masabi ko para hindi na sila magtaka at mag-alala. Alam ko kasing ipapaalam niya kay Zoren ang narinig niya sa akin.

Umalis na rin siya kalaunan. I was waiting for Dimples while I'm rubbing my fingers upon each other. Kinakabahan na ako at ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay. The friction I was making was no help to what I was feeling. Para akong nasusuka dahil sa kaba.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon