Prolongue

61K 853 26
                                    

~

Hello!

I am Beatrice Villanueva, 28, widow daw ng isang Pepito Villanueva. Bakit daw? Dahil hindi ko naman naaalala ang nakaraan.

Sabi ni Tiya Cynthia, siya ang taong umampon sa akin,Naaksidente di umano ako kasama ang asawa ko na naging dahilan ng aking amnesia at sa kasamaang palad ay natigok ang aking asawa.

May anak ako! Gulat na gulat ako ng pagmulat ng mata ko ay may isang cute na cute na bata at tinawag niya akong Mama!

Siya si Alexis Monique Villanueva at siya ay tatlong taong gulang na. Nang maaksidente ako ay under coma daw ako ng dalawang taon. Imagine that? ang haba naman ng beauty rest ko!

I was 2 months pregnant when that accident happened kaya naman habang tulog ako ay nanganak na ako. CS syempre kasi naman tulog nga ako di ba? Paano ako iire?

Muntik na nga raw mawalan ng pag-asa si Tiya Cynthia noon eh per buti nalang at gumising pa ako. Bukas palad ko namang tinanggap ang katauhan ko dahil no choice wala nga akong maalala eh. Hindi iyong seryoso? Kamukhang kamukha ko talaga ang anak ko. Para siyang little me. Hehe. Kaya wala akong pag-aalinlangan na ako nga ito si Bea..:)

Nasabi kong kamukha ko ang anak ko diba? Pero syempre sikreto lang iyon dahil nakatago ako sa isang katauhan na sa paningin ng lahat ay isang napakapangit na nilalang.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong itago ang napakaganda kong mukha pero Tiya Cynthia explained that this is for my own good dahil daw baka balikan ako ng mga tao na nasa likod ng pagkaka aksidente namin ng asawa ko.

Siya nga pala! Nagtatrabaho ako sa AMSS ISLAND. Isang pribadong isla malapit sa isla kung saan kami nakatira. Isa akong chambermaid doon. Malakas kasi ang Tiya ako dahil kaibigan niya ang head manager kaya nakapasok ako.

Paano ba iyan napakahaba na ng intro ko...Samahan niyo ako sa aking kwento...:)

The Missing Daredevil's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon